top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kandidatong yaman at kapangyarihan lang ang habol, stop!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 19, 2023
  • 1 min read

@Editorial | October 19, 2023


Ngayong araw ang umpisa ng kampanya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na tatagal hanggang Oktubre 28.


Kaya naman, muling nagpaalala ang Comelec sa mga botante at kandidato.


Una, 2x3 picture lang umano ang tamang sukat ng campaign posters at hindi puwedeng pagtabi-tabihin upang bumuo ng mas malaking poster.


Ang mga campaign posters ay puwede lamang ikabit sa mga common poster areas o sa private areas kung mayroong permiso ng may-ari.


Bawal din umanong mamigay ng kung ano kahit na pagkain sa mga campaign rally. Ang pamimigay ng pagkain ay maituturing din na vote-buying.


Babantayan din ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga e-wallets at online banking upang hindi magamit sa vote-buying.


Umaasa tayo na magiging malinis at mapayapa ang eleksyon habang kilatisin nating mabuti kung sino ang may ‘K’ na kandidato.


Sa hirap ng buhay ngayon, huwag tayong magpasilaw sa pera na minsan lang dadaan sa palad pero habambuhay nating pagdurusahan at pagsisisihan. Bigyan natin ng halaga ang kinabukasan ng ating mga anak. Piliin natin ang mga lider na magiging katuwang sa pagharap sa mga pagsubok at krisis sa buhay.


Panawagan din sa mga kandidato na may masamang hangarin sa pagpasok sa gobyerno, makonsensya na kayo, tigilan ang panlalamang sa kapwa, hindi habambuhay ang pagpapakasasa sa yaman at kapangyarihan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page