Kandidatong hindi dadalo sa debate ng Comelec, hindi makakagamit ng e-rally platform

ni Jasmin Joy Evangelista | March 7, 2022

Pirmado na ng Comelec at Vote Pilipinas/Impact Hub Manila ng memorandum of agreement para sa gaganapin na Pilipinas Debates 2022.
Gaganapin ang unang presidential debate na pangungunahan ng Comelec sa Marso 19, habang susundan naman ito ng vice presidential debate kinabukasan (Marso 20).
"Inaanyayahan namin ang presidential at vice presidential candidates na lumahok sa aming inoorganisang debate. Wala pong ibang layunin ang debateng ito kundi matulungan ang ating mga botanteng malaman kung saan kayo tumatayo sa iba't ibang isyung kinakaharap ng ating lipunan at kung ano ang inyong plano," pahayag ni Comelec Acting Chair Socorro Inting.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang mga kandidatong hindi sasali sa debate ay hindi papahintulutan umere sa E-Rally ng Comelec.
Ang unang presidential debates na itinakda ngayong buwan ay three-hour event at susundin ang single moderator format at walang live audience.
Bubunot ang mga kandidato kung kanino mapupunta ang unang tanong pero sa mga susunod na tanong ay sasagutin sa pamamagitan ng alphabetical order, ayon pa sa Comelec.





Comments