Kandidata ng Ms. Grand Phils., ilang araw nang nawawala

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 17, 2023

Ilang araw nang pinaghahanap ang isang kandidata ng Miss Grand Phils. 2023 na si Catherine Camilon na huling nagtungo sa Batangas City nu'ng Oktubre 12.
Nanawagan ang ina ni Catherine na si Gng. Rosario Camilon sa isang panayam sa radyo at nagsumamong umuwi na ang anak kung naririnig siya nito.
Pahayag ng ginang, hinihintay nila ang pag-uwi ng anak at kanila raw itong maiintindihan kung may pinagdaraanan man ito.
Humihingi na rin ng tulong si Gng. Camilo sa kung sino man ang makakapagsabi sa kung nasaan ang kanyang anak o kung may makakakita man sa dalaga.
“Sa isip ko, hindi siya mawawala nang ganito kung wala siyang pinagdaraanan kahit wala siyang sinasabi, ” tinuran pa ng ina ni Catherine.





Comments