Kampon ni VP Leni, tagumpay na napalayas sa twitter ang mga BBM supporters?!
ni Ka Ambo - @Bistado | January 29, 2022
NAGTAGUMPAY ang mga kalaban ni BBM na ipatanggal ang Twitter accounts ng mga Marcos supporters, kamakailan.
May ulat na minamaniobra naman ngayon ang pagpapasibak ng FB accounts ng mga BBM supporters.
Weh, ‘di nga?
◘◘◘
IBINUNYAG ni Atty. Larry Gadon na nakipagpulong umano si VP Leni sa mga Facebook officials upang baklasin ang accounts ng milyun-milyong Marcos supporters.
Aniya, mismong taga-FB Phils. ang nagtimbre na nakipagpulong umano si VP Leni kina Chris Kuzhuppily, Roy Tan, at Kylie Mooney na executives ng FB.
Dapat imbestigahan ito ng kinauukulan upang matiyak ang detalye at katotohanan ng ulat!
◘◘◘
‘IKA ni Gadon, “ Ito ang nakakatakot dahil lahat ng Facebook account na sumusuporta sa UniTeam ni BBM at Inday Sara ay posibleng ma-suspend o mabaklas nang tuluyan dahil sa pag-uudyok ng kampo ni Leni gamit ang kathang-isip na akusasyon.”
Nagtagumpay sila sa Twitter, magtagumpay kaya sila sa FB?
◘◘◘
PILIT umanong pinalalabas ng kampo ni VP Leni na peke ang FB pages ng milyun-milyong supporters ni BBM.
Sinasabing may middleman na may koneksiyon sa Estados Unidos ang tumutulong sa kampo ni VP Leni upang makipag-usap sa pamunuan ng FB.
Malaking gulo ini!
◘◘◘
NAIS ni dating PNP Chief Guillermo Eleazar na saklolohan ang mga helpers at janitors sa mga ospital na nababayaan ng lahat.
Hindi napapansin ng mga pobreng “health workers” sa panahon ng pandemya!
◘◘◘
NANINIWALA si Eleazar na “front” ng mga frontliners ang mga janitors at nag-aasikaso sa mga ospital at clinic, pero hindi sila nabibigyan ng maayos na kompensasyon.
Aniya, panahon na para kilalanin ang mahalagang role ng mga ito, tulad sa ginagawa niyang pagkilala sa mga pulis na gumagawa ng mabuti nang siya pa ang nakaupo bilang hepe ng pulisya.
◘◘◘
SA panahon ni Eleazar, ginagawaran niya ng medalya ang mabubuting pulis pero kinakasuhan, sinususpinde at sinisibak ang mga tiwaling parak.
Isa si Eleazar sa mga senatorial tiket ng Partido Reporma na nagsumite ng COC matapos magretiro.





Comments