KAMPO NINA BEA AT DOMINIC, KANI-KANYANG PATUTSADA
- BULGAR
- Feb 8, 2024
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | February 6, 2024

Paano nga maaayos ang gusot kina Bea Alonzo at Dominic Roque kung 'yung mga taong malalapit sa kanila ay may kani-kanyang bersiyon ng mga parunggitan at cryptic posts?
Karamihan pa sa mga ito ay tila nanunumbat na imbes na makatulong sa pinagdaraanan ng dalawa ay mukhang kampi-kampihan ang awra.
Mula sa kampo ni Bea ay tila may kung ano'ng post ang kanyang mga assistants, habang may kaanak naman si Dom na nagpapasaring.
Nabalitaan nating nag-e-effort pa rin si Dom na suyuin si Bea, pero mukhang gusto muna ng aktres na i-detach ang sarili sa usaping love life.
Mga isyu sa prenup, insultuhan, bukingan, pulitiko at mga sari-sari pang "diumano'y" kadahilanan kung bakit nagkaroon na ng solian ng engagement ring at pag-back-out sa isyu ng kasal.
Kagaya ng KathNiel at iba pang hiwalayan last year, pasabog this 2024 ang Bea-Dom call-off engagement.





Comments