KAMPO NI KATHRYN, NAG-REACT SA IBINULGAR NI LIZA TUNGKOL SA HELLO, LOVE, GOODBYE
ni Nitz Miralles @Bida | March 8, 2023

Minsan lang mangyari na nagkita-kita sina Michael V. kasama ang asawang si Carol Bunagan at ang magdyowang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Ipinost ni Kathryn sa kanyang Instagram Stories ang photo nilang apat na parang nangyari sa isang badminton court.
Ayon kay Kathryn, “Finally had my photo taken with Michael V. a.k.a. Mr. Assimo.”
Sa photo, si Michael V. ang may hawak ng cellphone at naka-pose sina Carol, Kathryn at Daniel.
Itinag ni Kathryn si Michael V. at nilagyan pa ng sticker ni Mr. Assimo, isa sa popular characters ni Bitoy sa Bubble Gang at itinag din nito si Manilyn Reynes at nilagyan ng caption na “Look Mama Bear."
Anyway, hindi na nag-comment si Kathryn sa naging pahayag ni Liza Soberano na sa kanila umano ni Enrique Gil in-offer ang pelikulang Hello, Love Goodbye na pagbibidahan sana nina Kathryn at Enrique bago in-offer kina Kathryn at Alden Richards.
Tanong ng mga fans ni Kathryn, bakit biglang in-open ni Liza ang tungkol dito?





Comments