Kampo ni Guo, umapela vs suspensyon mula sa Ombudsman
- BULGAR

- Jun 6, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | June 6, 2024

Hiniling ng kampo ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nitong Huwebes ang pagbawi ng kautusan ng suspensyon na inilabas ng Office of the Ombudsman sa gitna ng patuloy na imbestigasyon sa kanyang kaugnayan sa POGO.
Inihain ng mga abogado ni Guo na sina Stephen David, Nicole Jamilla, at Lorelie Santos sa Ombudsman ang isang motion for reconsideration at isang urgent motion para alisin ang preventive suspension laban sa Mayor.
Binanggit ng legal team sa kanilang mga mosyon ang kawalan ng matibay na ebidensya ng pagkakasala kaugnay ng mga reklamo na isinampa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) laban kay Guo.
Matatandaang kamakailan ay iniutos ni Ombudsman Samuel Martires na isailalim sa preventive suspension si Guo at dalawa pang opisyal ng munisipyo upang maiwasan ang kanilang panghihimasok sa imbestigasyon.





Comments