top of page

Kampo, nagsalita na… ISSA, ‘DI BUNTIS KAY JAMES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 8, 2026



BULGARY - ISSA, ‘DI BUNTIS KAY JAMES-FB Issa Pressman

Photo: FB Issa Pressman



Hindi naman pala totoong buntis si Issa Pressman na karelasyon ngayon ni James Reid. Sa isang panayam sa PR person ng sister ni Yassi Pressman, pinabulaanan niya ang trending issue, lalo na’t may mga nakapansin na hindi lumalaki ang tiyan ni Issa.


Ani ng PR, “‘Di namin sure kung saan nanggaling ‘yung rumors but no, Issa is not pregnant.”

Ngunit kahit walang katotohanan ang pagbubuntis ay mayroon namang bagong dagdag sa buhay ng celebrity couple.


“Nag-welcome si James and Issa ng new addition into their lives though… her name is Koda — ‘yung bago nilang dog.”


Ayon pa rito, isang crossbreed ng Australian Shepherd at Poodle ang alaga ngayon nina James Reid at Issa Pressman na siya ring sentro ng buhay ng dalawa ngayon.

Fur mom naman pala, ‘di baby mama. Hahaha!





Naging usap-usapan kamakailan sa social media ang tunay na relasyon nina Mikee Quintos at Heaven Peralejo matapos mapansin ng mga netizens ang pagiging sobrang close nila sa isa’t isa.


Parehong loveless ang dalawang female celebrities, si Mikee kay Paul Salas at si Heaven kay Marco Gallo na halos magkasabay na naghiwalay noong 2025.


Diretsahan namang nilinaw ng dalawang aktres na wala silang romantikong relasyon at naging malapit lang sila bilang magkaibigan. Naging sandalan nila ang isa’t isa habang pinagdaraanan ang heartbreak.


Mas napansin pa ng publiko ang closeness nila nang magkasama silang magbakasyon sa Siargao at Hawaii bilang bahagi umano ng kanilang ‘healing journey’. 


Dahil dito, nagsimulang umugong ang espekulasyon na baka may namamagitan na sa kanila. Guest kamakailan sa Fast Talk with Boy Abunda  (FTWBA) sina Mikee at Heaven.


Diretsang tinanong sila ng King of Talk kung may romantikong relasyon ba sila.

Agad na napatawa si Mikee at aniya, “Wala talaga, ‘di ba halata? ‘Di po.”

Sumagot din si Heaven ng “Hindi po.”


Aminado naman silang aware sa mga tsismis online pero mas pinili nilang huwag pansinin at mag-focus na lang sa kanilang friendship at personal growth.


Well, pareho silang successful sa kani-kanilang career. Si Heaven ay kilala sa mga proyektong tulad ng Nanahimik ang Gabi (NAG) at The Rain in España (TRIE).

Si Mikee naman ay nakilala sa Encantadia at isa ring architecture graduate mula sa University of Santo Tomas (UST).


Ikinuwento rin nila ang kanilang adventurous trip sa Hawaii kung saan sinubukan nila ang skydiving. Ayon kay Heaven, sobrang unforgettable raw ng experience at parang ‘binago ang brain chemistry’ niya dahil sa saya at excitement.


O, ayan, purely friendship lang daw sila kaya huwag nang bigyan ng malisya ang pagiging close nila. Magkaiba ang relasyon nila kina Janella Salvador at Klea Pineda na simula pa naman ay alam na kung ano ang gender identity nila.





Hindi raw dapat paniwalaan agad ang mga kumakalat na blind item at haka-haka sa social media hangga’t walang malinaw na ebidensiya o opisyal na pahayag, ayon sa ilang netizens na dumepensa sa aktres na si Kim Domingo matapos siyang maiugnay na may relasyon umano sa isang kilalang pulitiko.


Nagsimula ang isyu nang magbahagi si Xian Gaza, ang Pambansang Marites, ng isang cryptic post kung saan binanggit niya ang isang aktres na umano’y may ‘sweet moments’ kasama ang isang pulitiko.


Gumamit pa siya ng clue na ‘Korean Sundae’ na agad pinagdugtung-dugtong ng mga netizens at iniugnay kay Kim.


Kalaunan, nag-post pa si Xian ng video kung saan makikitang malapit at sweet umano ang isang babaeng personalidad sa isang lalaking may takip na emoji ang mukha.


Hindi niya direktang pinangalanan ang dalawa ngunit mabilis itong pinag-usapan sa Reddit at iba pang social media platforms.


Ayon sa ilang netizens, ang lalaking tinutukoy umano ay isang kongresista mula sa Davao Occidental.


Umani ng samu’t saring reaksiyon online ang tungkol sa aktres.

Sa kasalukuyan, tahimik lang si Kim Domingo at wala pa siyang opisyal na pahayag hinggil sa isyu, bagama't may inilabas siyang picture nila ng kanyang dyowa for 3 yrs. na isa umanong Thailander.


Well, wala pang napatutunayang katotohanan sa itsinitsismis ng Pambansang Marites na si Xian Gaza. Tanging haka-haka lamang ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
Kim Domingo - Instagram.jpg
bottom of page