top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kamay ni Irving, umapoy sa 50 pts. Payne at Ayton bida sa Suns

BULGAR
Mar 10, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 10, 2022




Nagbaga ang kamay ni Kyrie Irving para sa 50 puntos buhat sa siyam na tres upang makamit ng bisitang Brooklyn Nets ang malaking panalo kontra sa Charlotte Hornets, 132-121, sa pagpapatuloy ng NBA kahapon sa Spectrum Center. Winasak ng Nets ang tabla kasama ang Hornets para sa ika-8 puwesto sa Eastern Conference at papalapit na ang playoffs ngayong Abril.

Maaga pa lang ay nagpasikat si Irving at 12 puntos na siya sa first quarter upang ibigay sa Nets ang 34-20 lamang. Lumaki sa 34 ang agwat sa third quarter, 79-45, subalit hindi pa tapos si Irving at nagdagdag ng 16 puntos sa 4th quarter upang mapigil balak ng Hornets na humabol.

Pumasok sa laro ang dalawang koponan taglay ang parehong 32-33 panalo-talo. Nag-ambag ng 20 puntos at 14 rebound si Andre Drummond habang tig-14 puntos sina Kevin Durant at Bruce Brown.

Naiwasan ng numero unong Phoenix Suns na mapahiya sa kulelat sa buong NBA na Orlando Magic, 102-99, salamat sa dalawang free throw ni Cameron Payne na may 10 segundo sa orasan. Ipinasok ni Deandre Ayton ang dalawang magkasunod na apat na puntos upang itayo ang 100-97 lamang na may 12 segundong nalalabi at humirit ng dalawang free throw si Cole Anthony ng Magic upang magbanta, 99-100.

Nagtapos si Ayton na may 21 puntos at 19 rebounds at 21 puntos din si Landry Shamet buhat sa anim na tres. Gumawa ng 18 puntos at 12 assist si Payne at sinikap ng Phoenix na pagtakpan ang patuloy na pagliban nina Devin Booker, Chris Paul at Cameron Johnson.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page