Kamay na bakal vs. malalaswang palabas sa tv at online
@Editorial | March 8, 2023
Inamin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na marami silang natatanggap na reklamo kaugnay ng pagpapalabas ng malalaswa sa mga pelikula, online streaming at maging sa mga contents.
Halos araw-araw umano ay may natatanggap silang sumbong kung saan ang pangunahing biktima ay pawang mga kabataan.
Bagay na nagbibigay ng suporta para ipasa na ang Video and Online Games at Outdoor Media Regulation Act.
Masasabing grabe na ang pagkalat ng malalaswang palabas sa telebisyon, lalo na online kung saan napakadaling malantad ng mga menor-de-edad.
Kailangang maging mas mapagmatyag at higit sa lahat, ang magkaroon ng mas malinaw na panuntunan kung paano makokontrol ang mga palabas na hindi angkop sa mga bata.
Kung kailangan ng kamay na bakal laban sa mga pasaway o nasa likod ng iresponsableng pagpapalabas ng malalaswang panoorin o content online, gawin na.
Bawat bagay ay may tamang lugar at panahon, huwag hayaang mabahiran ang murang isip ng mga paslit.
Kaya panawagan sa kinauukulan, bilisan ang aksyon, alam na natin ang problema, gawan na ng solusyon para hindi na lumala pa.



Comments