Kamag-anak, arestado... 19-anyos, tinarakan ng gunting sa ulo

by Janice Baricuatro @News | September 14, 2026

Photo: File
Isinugod sa pagamutan ang isang 19-anyos na binata matapos umano siyang saksakin ng gunting sa ulo ng nakaalitang kamag-anak sa Brgy. Paradahan 2, Tanza, Cavite, kamakalawa.
Kinilala ang biktima sa alyas Paul, 19, residente ng Phase 2 ng nasabing barangay. Arestado naman ang suspek na si alyas Gil, 26, kamag-anak ng biktima at residente rin ng lugar.
Batay sa imbestigasyon ng Tanza police, alas-4 ng madaling-araw nang magkainitan ang dalawa na nauwi sa suntukan.
Nang umano’y maagrabyado, dumampot si Gil ng dalawang gunting at sinaksak sa ulo si Paul na bumagsak at agad na isinugod sa ospital.
Mabilis namang rumesponde ang mga pulis at naaresto ang suspek.





Comments