top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Kalokohan ang paniniwala ni Digong na walang korupsyon sa panahon niya

  • BULGAR
  • Sep 15, 2022
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 15, 2022


TANGGALIN ANG PORK BARREL NG MGA SEN. AT CONG., BADYETAN ANG NUTRIBUN NG MGA BATA—Binuhay na ni Sen. Imee Marcos ang "Nutribun Feeding Program" na programa noon ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., at ang mga unang batang nabiyaan ng pagkaing ito ay taga-Rizal, Cebu at Ilocos Norte.


Sa totoo lang, baka hindi kayanin ng budget ni Sen. Imee ang pagpapakain ng nutribun sa lahat ng bata sa buong bansa, kaya't sana sa panahon ngayon ng budget deliberation para sa 2013 national budget ay tanggalin na ang pork barrel ng mga senador at kongresista, at ito'y ilaan na lang sa feeding sa mga bata.


◘◘◘


KULANG NA NGA ANG GAMIT PANGHIMPAPAWID NG PAF, IBINIGAY PA ANG ISA KAY VP SARA PARA MAY MAGAMIT PAG-UWI-UWI SA DAVAO CITY—Sablay ang ibinidang post ni Vice-Pres. Sara Duterte-Carpio sa social media na binigyan siya ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ng chopper ng Philippine Air Force (PAF) na kanyang magagamit sa kanyang mga aktibidad, at dahil d'yan, ayon sa bise presidente ay palagi na siyang makakauwi at makakapiling sa pagtulog ang kanyang mga anak sa Davao City.


Batikos talaga ang aabutin niya sa ibinida niyang 'yan kasi una, pera ng bayan ang ipinambili sa chopper. Pangalawa, kulang na nga sa kagamitang panghimpapawid ang Armed Forces of the Philippines (AFP), ibinigay pa sa kanya ang isa ng PAF.


◘◘◘


PANG-UUNGGOY LANG SA PUBLIKO ANG IBINIDA NI EX-P-DUTERTE NA WALANG NAGANAP NA CORRUPTION SA KANYANG ADMINISTRASYON—Ibinida ni ex-Pres. Duterte na bumaba siya sa puwesto nang walang naganap na corruption sa kanyang pamahalaan.


'Yung P15 billion scam sa PhilHealth, 'yung bilyun-bilyong piso scam na kinasangkutan ng PS-DBM (Procurement Service-Dept. of Budget and Management) sa pagbili ng mga ovepriced na face mask, face shield, laptops at iba pang kinuwestyon ng Commission on Audit na kuwestyunableng paggasta ng iba't ibang ahensya sa ilalim ng Duterte administration, eh, para pala kay ex-P-Duterte, hindi corruption 'yun?!


◘◘◘


GOOD NEWS AT BAD NEWS SA ISYUNG P20 PER KILO NG BIGAS—Good news ang sinabi ni P-BBM na posible pa rin mangyari ang campaign promise niyang magiging P20 per kilo ng bigas.


Ang bad news nga lang presidente ay matatagalan pa bago ito mangyari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page