top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kaliwa’t kanang krimen, gobyerno wa’ pa rin aksyon?

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 4, 2023
1 min read

@Editorial | April 4, 2023


Kung may 'travel revenge', aba'y tila hindi rin nagpahuli ang pagbabalik ng mga pasaway.


Nawala lang ang paghihigpit dulot ng pandemya, umalagwa na ang mga kriminal.


Halos araw-araw ay may naiuulat na nakawan, pananamantala at pagpatay. Walang pinipiling oras at lugar, basta may mabibiktima, aatake sila.


Kaya napakahalaga na kung pakalat-kalat ang masasamang-loob, nag-iikot din ang mga alagad ng batas para mapigilan sila.


Siyempre, hindi lang naman ito trabaho ng mga awtoridad, dapat ay may ambag din tayong mamamayan. Ito ay sa pamamagitan ng unang-una, simulan sa sarili ang pag-iwas na masangkot sa anumang ilegal na gawain o panggugulo. Pangalawa, ingatan ang ating pamilya, sikapin natin na hindi sila malagay sa alanganin o matukso sa paggawa ng masama, lalo na ang mga kabataan.


Ikatlo, maging responsableng mamamayan, maging alerto sa paligid, kung may kahina-hinalang tao o sitwasyon, agad na ipagbigay-alam sa kinauukulan.


Sa mga pasaway naman na laging idinadahilan ang kahirapan sa paggawa ng masama, tigilan n'yo na. Walang anumang rason para kumapit sa patalim. Mahiya kayo sa matatanda o may kapansanan na lumalaban sa buhay nang patas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page