top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Kalituhan ng taumbayan, ‘wag nang dagdagan!

BULGAR
Apr 4, 2022
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | April 4, 2022


Habang isinusulong ng ilang sektor na baguhin ang depinisyon ng “fully vaccinated individual”, naninindigan ang Department of Health (DOH) na posible itong magdulot ng kalituhan sa publiko.

Ayon sa isang opisyal ng DOH, hindi pa nila inirerekomendang baguhin ang depinisyon ng “fully vaccinated” dahil bukod sa maaari itong maging dahilan ng pagkalito, marami pang Pilipino na hindi pa bakunado.

Matatandaang ang panukala ay nagmula kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, kung saan layon nitong mapalakas ang bilang ng mga nagpapa-booster shot at mabigyan ng karagdagang proteksiyon para lubos na mabuksan ang ekonomiya.

Sa ngayon kasi, 12 milyon pa lamang ang nagpapa-booster shot sa 65 milyong Pilipinong bakunado na.

Ayon pa sa opisyal ng DOH, ang ibang mga bansa tulad ng Estados Unidos ay ina-update na lamang ang vaccination status ng isang indibidwal kapag nakatanggap na ng booster shot.

Nauunawaan natin ang kagustuhang mas marami pang mabakunahan at mapalakas ang ekonomiya, pero pag-aralan muna natin ang magiging epekto ng mga pagbabagong ito.

Kung posibleng magdulot ng kalituhan, ‘wag na muna nating ipilit, sa halip, mas mabuting tutukan natin ang mismong problema.

Kumbaga, mas mabuting maglaan tayo ng panahon sa mas kapaki-pakinabang na hakbang upang mas maparami pa ang kababayan nating nagpapabakuna kontra COVID-19.

Tutal, eto naman ang mahalaga at tiyak na mas mapakikinabangan pagdating ng panahon.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page