Kalbaryo sa pagtaas ng presyo ng bilihin, tuloy pa rin
ni Ryan Sison - @Boses | May 15, 2022
Aprub sa Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin.
Kabilang sa mga inapruhang magtaas ng presyo ay ang ilang brand ng sardinas, karneng de-lata, gatas, instant noodles, asin, detergent soap, sabong panligo, baterya at kape.
Gayunman, hanggang 10% ang pinayagang dagdag ng DTI, pero ang range ng dagdag-presyo ay naglalaro sa P.025 hanggang P1.50 kada item.
Iginiit ng DTI na dumaan sa masusing pag-aaral ang lahat ng hirit na dagdag-presyo, na kapag ‘di napagbigyan ay may negatibong epekto sa mga manufacturer.
Tiniyak din ng kagawaran na mas mababa pa rin ang naturang price increase kumpara sa mga pandaigdigang presyuhan.
Ayon sa mga negosyante, isa ito sa magiging hamon ng papasok na administrasyon dahil kapag hindi napigilan ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo, hihina rin ang benta at puwede pang mauwi sa kaguluhan.
Habang nauunawaan nating kinakailangang magtaas ng presyo sa ilang bilihin, ang tanong sa taumbayan, kaya pa ba?
Ilang buwan nang pahirapan ang pagba-budget ang marami sa atin dahil sa hindi maawat na taas-presyo ng mga bilihin at serbisyo. Ang ending, ang kaunting nabibili noon dahil sa limitadong budget ay lalo pang nabawasan.
Malaking hamon, hindi lamang para sa bagong administrasyon kundi maging sa taumabayan dahil sila ang higit na apektado sa patuloy na taas-presyo.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.co





Comments