top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Kalat na, Vietnamese ang huli… DANIEL, 2014 PA RAW NAGLOKO KAY KATHRYN, INULIT-ULIT NA LANG

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 14, 2024
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | January 14, 2024



Hala, kung saan-saan na napunta at kung sinu-sino na ang nadamay sa isyu ng hiwalayan ng KathNiel.


Matapos ngang mag-unfollow si Kathryn Bernardo kina Daniel Padilla, Liza Soberano, Julia Barretto at Gillian Vicencio, may mga sumusulpot namang isyu patungkol sa disloyalty umano ni Daniel.


At dahil natsismis ngang may something na naganap umano kina Gillian at DJ dati, napapaisip ang marami kung ano ang konek nito kina Julia at Liza?


Then sa cryptic post naman ng kapatid ni Kathryn, tila may kung anong insinwasyong may mga "summer" na nagloko itong si DJ? 


Take note, hindi lang isang summer ang pinag-uusapan sa post, ha? Diumano, 2014 nag-umpisang mag-cheat si DJ na sinundan noong 2017 to 2019, then 2021, at ang latest daw ay nitong 2023, at isang taga-Vietnam ang involved?


Lumabas din ang name ng isang Aeriel Sugui na ipinagtatanggol ng asawa nitong si Patrick dahil diumano'y naging "ka-flirt" din ni Daniel bago pa man sila ikasal? Dati raw silang magkakaibigan, pero nang dahil nga diumano sa pangyayari, hindi dumalo sa kasal sina Daniel at Kath.


Pero ang latest namang lumalabas ngayon na tila ganting-sagot ng mga defenders ni DJ ay ang pagiging "malandi" umano ni Kath at pagkakaroon din ng ibang lalaki. Pati nga 'yung friendship nito kay Donny Pangilinan ay nilalagyan ng malisya ng ilan.


Nakakaloka, pero saan nga kaya hahantong ang mga ganitong alegasyon, akusasyon, kuwento at iba pang likhang-isip ng mga ewan? Hahahaha!

Alin kaya sa mga ganyang tsika ang may bahid ng katotohanan?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page