Kalat na sa socmed, pamilya Muhlach magdedemanda… ANAK NI NIÑO NA SI SANDRO, NI-RAPE NG 2 GAY EXECS DAW NG GMA-7 SA HOTEL
- BULGAR
- Jul 31, 2024
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 31, 2024

Ibinulgar ng mga netizens ang bagong showbiz scandal na pumutok at usap-usapan sa socmed (social media).
Nagsimula sa blind item ang iskandalo tungkol sa young actor na nakaranas diumano ng sexual harassment sa ilang ehekutibo ng network.
Kahapon ay pinagpiyestahan na ang blind item at may naglabas na rin ng pangalan ng mga taong involved daw sa iskandalo.
Mabilis na napangalanan ang young actor na diumano ay hinalay ng dalawang ehekutibo. High-profile kasi ang pamilyang kinabibilangan ng involved na young actor sa blind item at malapit din sa maraming taga-entertainment media ang magulang nito.
Nangyari raw ang iskandalo after ng isang big showbiz event.
Post sa X (dating Twitter) ng may X account name na ChakapusoPH, “Napakawalang-hiya talaga nitong mga taga-Kamuning. Talagang lilinisin nila ang kalat nila hangga’t kaya nila. So kuwento na natin ano'ng nangyari.
“After GMA GALA, Richard Dode and Jojo Nones (GMA TV execs) asked a certain young actor to go to their hotel room.
“Since parang tito naman ang turing ni young actor sa dalawa, pumunta s’ya “as a respect” na rin dahil nga may posisyon sa TV Network where he belong. Pagpasok ni young actor, may something na ginawa ang dalawang accla (bakla o bading) para mahilo si young actor at mawalan ng malay.
“At du’n na nga naganap ang pang-aabuso, panghahalay o panggagahasa kay young actor. After nilang maisakatuparan ang kanilang pagnanasa, inabangan nilang magkamalay si young actor para kausapin, pero sa aking opinyon, mukhang pagbabantaan para ‘di mailabas ang nangyari.
“Nagkaroon ng malay si young actor at kinakausap nga siya ng dalawang accla. Pero may biglang kumatok para mag-deliver ng wine at naging chance ni young actor para makalabas ng hotel room. Dahil sa pangyayari, nagdulot ito ng malalang trauma kay young actor.
“Hindi dapat pinagtatakpan ang mga gumagawa ng mali at kahayupan, dapat na ipaglaban ni young actor ang kanyang karapatan. Marami na silang nabiktima, dapat maitigil na ang kanilang kademonyohan.”
Naka-post kasama ng mga X tweets ng mga netizens ang ipinost ni Ogie Diaz sa Instagram (IG) story.
“Anong muntik? May nangyari talaga. Believe me. ‘Wag na pagtakpan, dapat ipaglaban at makuha ang hustisya para sa inabuso,” post ni Ogie sa kanyang IG Story.
Maya-maya, pinangalanan din ni ChakapusoPH ang young actor na si Sandro Muhlach, anak ng dating Child Wonder na si Niño Muhlach. Ipinost ni ChakapusoPH ang IG Story ni Sandro na isang sad emoji.
Caption ni ChakapusoPH, “LOOK: Kapuso young actor Sandro Muhlach, kamusta na nga ba ang estado ng kanyang kalagayan ngayon matapos makaranas ng hindi magandang pangyayari sa GMA GALA?”
Ayon pa raw sa source ni ChakapusoPH, kumukuha na ng abogado ang pamilya Muhlach upang pag-aralan ang kasong isasampa nila sa dalawang ehekutibo ng big network.
Sinilip din namin ang IG account ni Sandro at doon ay may post siya ng kanyang look sa Gala Night ng GMA-7.
Caption ni Sandro, “Moments before (black heart).”
Sa comment section ay mababasa ang reaction ng mga netizens sa balitang si Sandro ang involved sa iskandalong pumutok after ng Gala Night ng GMA-7.
“OMG totoo ba? Fight for justice, you’re from the Muhlach family, may laban kayo, 'wag matakot.”
May nag-post din na sinasabing hindi naman daw ehekutibo ng GMA-7 ang mga nabanggit na pangalan ni ChakapusoPH.
Sey nito, “Hindi executive ng GMA sina Dode Cruz at Jojo Nones.”
Samantala, naglabas na ng official statement ang GMA-7 tungkol sa kumakalat na insidente sa online world.
Ayon sa GMA-7, “Online articles and posts have recently circulated regarding an alleged incident involving an artist and independent contractors of GMA Network.
“We have yet to receive a formal complaint from those allegedly involved in the issue. Should one be filed, the Network is committed to conducting a thorough and impartial investigation. We assure the public that GMA Network takes such matters with utmost seriousness.”
HUMARUROT sa bagong peak concurrent viewership record ang FPJ’s Batang Quiapo sa episode nu'ng Lunes kung saan tinadtad ng bala ni David (McCoy de Leon) si Bubbles (Ivana Alawi).
Sa last episode, hinahanap ni David si Tanggol (Coco Martin) pero nakita nito si Bubbles at inabuso ang babae.
“Alam mo, sayang ka, eh, maganda ka. Magaling kang makipaglaban. Napagod nga ako sa ‘yo, eh. May mga ganitong klase palang babae, pero sinayang mo ang buhay mo kay Tanggol kaya pagkatapos mo, isusunod ko na ‘yang demonyong ‘yan,” linya ni David.
Matapos nito, pinagbabaril ni David si Bubbles at agad na umalis para balikan si Tanggol.
Naghihingalo na si Bubbles nang dumating si Tanggol, pero pinangunahan siya ng galit at agad na hinanap si David para maghiganti.
Batay sa datos ng Dreamscape Entertainment, pumalo sa 596,164 ang peak concurrent viewers ng show o 'yung nanonood sa Kapamilya Online Live nang sabay-sabay.
Mapapanood ang Batang Quiapo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.
Comentarios