top of page

Kailan nagaganap ang krimen ng Fencing?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 22, 2024
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 22, 2024


Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Ako ay nagbebenta ng mga “ukay-ukay” sa shopping mall sa Baguio City. Isang araw, nagkaroon ng raid sa gusali namin, kung saan isa sa mga kinuhang paninda sa akin ay ang bagong-bago na Gucci t-shirt. Nabanggit sa akin na makakasuhan ako ng “fencing”. Ano ba ang “fencing” at sakop ba noon ang sitwasyon ko?


- Bettina



Dear Bettina, 


Sa kasong Reymundo Masil vs. People (G.R. No. 241837, January 05, 2022, sa panulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Henri Jean Paul B. Inting) na napagdesisyunan ng Korte Suprema, tinukoy ang krimen na Fencing at inilahad ang mga elemento nito:


Fencing is defined under Section 2 of PD 1612 as ‘as the act of any person who, with intent to gain for himself or for another, shall buy, receive, possess, keep, acquire, conceal, sell or dispose of, or shall buy and sell, or in any manner deal in any article, item, object or anything of value which he knows, or should be known to him, to have been derived from the proceeds of the crime of robbery or theft.’


The following are the essential elements of the crime of fencing: (a) a crime of robbery or theft has been committed; (b) the accused, who is not a principal or an accomplice in the commission of the crime of robbery or theft, buys, receives, possesses, keeps, acquires, conceals, sells or disposes, or buys and sells, or in any manner deals in any article, item, object or anything of value, which has been derived from the proceeds of the crime of robbery or theft; (c) the accused knew or should have known that the said article, item, object or anything of value has been derived from the proceeds of the crime of robbery or theft; and (d) there is, on the part of the accused, an intent to gain for oneself or for another.” 


Sang-ayon sa nabanggit, ang krimeng Fencing ay ang pagbili, pagbenta, pagtanggap, o paghawak ng anumang gamit na galing sa krimen ng Theft o Robbery. Ang mga aktong ito ay magiging fencing kung alam ng bumili o nagbenta na ito ay galing sa nakaw kahit na hindi direktang nasabi sa kanya, hangga’t mayroong intensyon ang bibili o magbebenta nito na kumita para sa kanyang sarili o para sa iba.


Para mas malinaw na maintindihan kung kailan nagaganap ang Fencing, ang mga elemento ng krimeng ito ay ang mga sumusunod:


  1. May naganap na nakawan (Robbery o Theft);

  2. Ang akusado ay hindi kabilang sa naganap na nakawan ngunit siya ay bumili, nagbenta, tumanggap, nag-angkin, kumuha, o nagtago ng anumang gamit na may halaga na galing sa nasabing krimen;

  3. Alam o dapat alam ng akusado na ang kagamitang hawak niya ay nagmula sa nakawan; at

  4. Mayroong intensyon ang akusado na kumita o makinabang para sa kanyang sarili o para sa ibang tao.


Kapag binigyan ng aplikasyon ang mga nabanggit na elemento ng Fencing, maaaring masabi na hindi ito tugma sa iyong sitwasyon sapagkat ang mga kagamitan sa ukay-ukay ay hindi agad masasabing galing sa nakawan bagama’t bagsak presyo ang mga ito. 


Kung walang maipakikitang ebidensya na ang Gucci t-shirt na iyong paninda ay nagmula sa isang nakawan, maaaring sabihing hindi pasok sa Fencing ang iyong sitwasyon.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page