Kaila, certified Kapamilya na..."Hindi ka na anak ni Janice," - Janice
- BULGAR

- Feb 20, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | February 20, 2024

Opisyal nang Kapamilya ang aktres na si Kaila Estrada matapos pumirma ng kontrata sa ilalim ng ABS-CBN Entertainment kamakailan.
Sa contract signing, nakatanggap si Kaila ng mensahe mula sa kanyang ina at itinodo na yata ni Janice de Belen ang sweet na message nito sa anak.
Sey kasi ni Janice sa kanyang video message, "To my dearest daughter Kaila, know that I am very proud of you and I will always be proud of you. I wish you continued success, but as you hold your head up high, also keep your feet on the ground."
"Hayaan mo, anak, may contract ka na [sa ABS-CBN]. Hindi ka na anak ni Janice. Ako na ang magiging nanay ni Kaila. I love you," dagdag niya.
Nadala nga kahit ang madla sa sweet na message ni Janice para kay Kaila at inaabangan na ng mga ito ang future projects ng bagong aktres ngayong ganap na siyang parte ng isa sa pinakamalaking entertainment network.




Comments