Kai Sotto, nakipagsabayan sa workout ng Sacramento
ni GA - @Sports | June 20, 2022

Dumalo si Filipino center at NBA hopeful Kai Sotto sa iba’t ibang koponan sa National Basketball Association kabilang ang pagsabak sa workout sa Sacramento Kings nitong Miyerkules habang papalapit ang taunang 2022 Rookie Draft.
Komportableng nakipagsabayan ang 20-anyos na 7-foot-2 stalwart sa naturang worked out, suot ang jersey No. 6, kasama sina Jacob Gilyard, Fatts Russell, Yoan Makoundou, Karlo Matkovic, at Yannick Nzosa sa Sacramento Kings, na hawak ang No.4 pick overall sa draft na nakatakda sa Hunyo 23 sa Barclays Center sa Brooklyn New York.
Bukod sa Top 4 pick ay tangan din ng 1951 NBA champion ang No. 37 at No.49 picks (mula sa Chicago galing sa Detroit patungong Memphis) sa second round.
Sa naturang worked out ay nakasama rin ni Sotto si Filipino-American at dating Gilas Pilipinas national team member at 6-time PBA champion mula TNT Tropang Giga na si Jimmy Alapag na tumatayo namang isa sa assistant coach ng Stockton Kings, ang affiliate sa G-League ng Sacramento.
Sa kanyang Instagram post, ipinagmalaki ng 44-anyos na tubong San Bernardino, California ang malugod na pagtanggap at pagbati sa Adelaide 36ers mula National Basketball League sa Australia sa naturang training facility sa California. “Great to see kai here in Sacramento! Best of luck on your journey to the NBA! The entire country and I are rooting for you!! Keep working!! @kzsotto”
Nauna nang dumalo ang 2022 NBL Fans MVP sa New York Knicks at mayroon pa umanong mga koponan ang nakatakdang daluhan nito para magsagawa ng workouts upang masuri ng mga coaches at scouts ng NBA teams.





Comments