top of page

Kai Sotto, handa na sa NBA Summer League

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 9, 2023
  • 1 min read

ni Gerard Arce @Sports | July 9, 2023




Nagsimula ng makapagsanay si Filipino big man Kai Zachary Sotto para sa Orlando Magic sa darating na NBA Summer League na nakatakdang ganapin ngayong Linggo ng umaga (oras sa Pilipinas) sa Las Vegas, Nevada, USA.


Inihayag ng 7-foot-3 na purong Filipino ang idinaos na pagsasanay na isinagawa ng kanyang koponan bilang paghahanda sa torneo sa kanyang social media account. “Hi guys, this is Kai Sotto from Orlando Magic's Summer League team. We just wrapped up our first practice in Vegas.


Game time is in July 8,” wika ni Sotto sa inilabas na video sa kanyang Twitter account na malugod na inimbitahan ang mga manonood higit na ang mga Filipinong tagasubaybay. “I hope to see you all there.”


Umaasa ang maraming tagasubaybay ni Sotto na makakakuha ito ng sapat na minuto upang makapaglaro at mailabas ang kanyang kahusayan at kaalaman sa unang laro kontra sa Detroit Pistons na makakatapat ang talentadong sophomore bigman na si Jalen Duren.


Maraming Filipino ang nagnanais na maging kauna-unahang homegrown player mula sa Pilipinas si Sotto na makapaglaro sa NBA. Kasalukuyang naglalaro ang mga may dugong Pinoy na sina Fil-American at Gilas Pilipinas leading guard Jordan Clarkson sa Utah Jazz, Jalen Green ng Houston Rockets at Raymond Townsend na naglaro sa Golden State Warriors at Indiana Pacers nung Dekada ‘80.


Kamakailan lang ay tinanggal ng Magic ang center-forward nitong si Bol Bol, na tila nagbigay ng malaking pagkakataon para kay Sotto. Nitong nagdaang buwan ay dumalo sa mini-camp ang 21-anyos na Gilas center sa koponan ng Utah at Dallas Mavericks.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page