top of page
SHEET - BERNADETTE, NAG-MRT DAHIL SA BAHA, CR PURING-PURI, BINARA NG NETIZEN_IG _iambernad

Kai Sotto balik laro sa Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 1 min read

by Gerard Arce @Sports News | August 19, 2026



Kai Sotto balik laro sa Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers

Photo: SportsTV PH



Muling isusuot ni 7-foot-4 center Kai Zachary Sotto ang jersey ng Gilas Pilipinas upang tumugon sa tawag ng national squad para paghandaan ang darating na aksyon sa FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers fourth window.


Saktong-sakto sa pagbabalik sa national squad ni Sotto na kinakailangang matulungan ang kakulangan sa big man ng Gilas Pilipinas matapos ang tinamong back injury ni Quentin Millora-Brown at naunang personal commitment ni Mike Phillips.


Malaking tulong ang pagbabalik ni Sotto sa national squad para tulungang putulin ang four-game losing skid ng koponan sa 2-4 kartada, na nakatakdang makaharap ang Jordan sa Agosto 28 at Iran sa Agosto 30 na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Matatandaang nakalasap ng magkakasunod na pagkatalo ang Gilas kontra sa Asian powerhouse na Australia at New Zealand, habang huling beses nakakuha ng panalo sa dominanteng tagumpay kontra Guam.


Naunang inilahad ni Sotto ang kanyang pagbabalik sa Gilas Pilipinas sa kanyang social media account na nagpahiwatig ng pagbabalik sa national squad suot ang blue jersey ng Gilas.


“You know what time it is!!” saad ni Sotto sa kanyang Instagram post. Inamin naman ni Gilas head coach Tim Cone sa isang report na nagawa ng magpakita ng Koshigaya Alphas big man sa ensayo, na minsang tinamaan ng ACL injury nitong Enero sa Japan B.League.


Nagawang magbalik sa kanyang magandang pangangatawan kasunod ng matagal na rehabilitasyon, na minsang nahirang na two-time NBL Fans MVP awardee, at napabalitang sinusubukang makapasok ng US NCAA I, sa kagustuhang maisakatuparan ang pinakaaasam na “NBA Dream.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page