top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahulugan ng nagluto ng iba’t ibang ulam at maraming bumili

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 26, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 26, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Carmen ng Masbate.


Dear Maestra,

Magandang araw sa inyong lahat at nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at ligtas sa anumang uri ng kapahamakan. Isa akong chef sa isang sikat na restoran dito sa aming probinsiya. Single pa ako at natali sa pagtulong sa aking mga magulang upang makaraos sa pang-araw-araw naming pamumuhay. Nawalan ako ng trabaho dahil sa lockdown at naisip kong mag-online business na lang. Gumagawa ako ng mga dessert at ibinebenta online.

Awa ng Diyos, kumikita naman ako at nakakaraos sa pang-araw-araw naming pangangailangan. Napanaginipan kong nagluluto ako ng iba’t ibang klase ng ulam. Maraming bumibili dahil masarap at mura ang aking paninda. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Carmen


Sa iyo, Carmen,

Unang-una, humahanga ako sa diskarte mo sa buhay. Dapat kang pamarisan ng mga taong madaling mawalan ng pag-asa.


Tungkol sa iyong panaginip, napakaganda ng ibig sabihin nito. Nagpapahiwatig ito na may dadaluhan kang pagtitipon d’yan sa inyong lugar at magiging masaya ang nasabing pagtitipon. Makikita mo roon ang mga dati mong kaibigan. Magkakatuwaan kayo at ang mga single pa ay ima-match nila sa mga naroon na naghahanap din ng makakasama habambuhay. Isa ka sa makakatagpo ng ka-match at may posibilidad na siya na ang makatuluyan mo. Ngayon pa lang ay masaya ako para sa iyo at binabati kita ng masayang pagsasama sa piling ng itinadhana sa iyo ng langit.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page