top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kahulugan ng bumiyahe sa mataas na daanan at ulap na naging hugis harp

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 17, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 17, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lilac.


Dear Maestra,

Nanaginip ako na bumabiyahe kami ng aking nanay sa mahaba at pataas na daanan. Dahil pataas ang daanan, nakikita ko nang kapantay namin ang makakapal na puting ulap. Huminto kami sa isang palayan na mayroong ulap na nag-form ng napakalaking music instrument na harp, namangha rin ako sa mga ulap na nakapaibabaw sa amin dahil sobrang puti, kapal at ganda nito. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Maraming salamat!


Naghihintay,

Lilac


Sa iyo, Lilac,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo na bumabiyahe kayo ng nanay mo sa mahaba at papataas na daan at kitang-kita mo ang napakagandang ulap ay nangangahulugan ng pagbabago ng tirahan, hanapbuhay o negosyo tungo sa kasaganaan. Ibig sabihin, lilipat na kayo ng tirahan at magiging maayos ang paglipat n’yo. Sasagana ang buhay n’yo sa lugar na lilipatan n’yo at magkakaroon pa kayo ng pagkakakitaan o negosyo na makatutulong nang malaki sa pang-araw-araw n’yong pamumuhay.


Gayundin, nagpapahiwatig ito na matutupad na ang matagal mo nang pinapangarap sa buhay. Ibig sabihin, isang wish mo na matagal nang inaasam-asam ang magkakaroon na ng katuparan. Nagpapahiwatig din na magkakaroon ka ng mga bagong kaibigan at kakilala na magdudulot sa iyo ng panibagong sigla. Hindi ka na malulungkot, sa halip, ang buhay mo ay magiging maaliwalas, payapa at panatag. ‘Yan naman ang ibig sabihin ng music instrument na nakita mo sa ulap.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page