Kahit walang dyowa… BEA, SUPER HAPPY NA ISA SA RICHEST CELEBS
- BULGAR
- Aug 31, 2024
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 31, 2024

Isa sa pinakamayamang local celebrities si Bea Alonzo na bukod sa talent fee (TF) sa showbiz, may mga endorsements din na milyon ang TF.
May 16-hectare farm pa siya sa Zambales, may mga negosyo kabilang ang Bash Manila at may worth P30 million apartment din sa Spain.
Tuluy-tuloy pa rin ang dating ng endorsements kay Bea at tuloy pa rin ang showbiz career niya. May mga movies siyang gagawin at nakatakdang mag-renew ng kontrata sa GMA Network.
Malaking dagdag sa kanyang gross ang matatanggap na talent fee sa upcoming projects niya.
Nagbigay ng tips si Bea sa mga gustong madagdagan ang ipon o pera para yumaman din gaya niya.
Aniya, “While you have a day job, try to also think of another way to get money streams, like maybe creating an online business, all those things.”
May tips din ang aktres sa mga gustong makaipon ng pera.
“Never live beyond your means. Unahin mo ang basics, basic needs. Siyempre, maganda rin namang minsan ‘yung gusto mong i-reward ‘yung sarili mo with a good meal, to travel, nice clothes, but never forget na unahin mo ‘yung necessities,” payo pa ni Bea.
Samantala, gusto ng mga fans ni Bea ang role at karakter niya sa Widows’ War (WW) na si Sam Castillo. Tama raw ang sinabi ng aktres na ‘gray’ ang karakter niya at ang iba pang cast, hindi mo malalaman kung bida o kontrabida. Mga ganitong project at ganitong role raw ang bagay sa kanya.
Pagdating naman sa kanyang personal life, sinabi ni Bea na she’s single but happy. Ang daming nagpapasaya sa kanya at kahit nabalitang may boyfriend na, ang sabi nito, nasa “pagpaparamdam” stage pa lang ang mga gustong manligaw sa kanya. Tila wala pa sa plano ng aktres ang muling ma-in love at magka-boyfriend.
Hindi maiwasang mag-crave ni Ruffa Gutierrez sa short teaser ng Incognito na isa sa mga bida ay ang kapatid niyang si Richard Gutierrez. Naka-post sa Instagram (IG) ng aktor ang teaser at naunang nag-comment si Ruffa ng, “GANDA!!!”
Sagot pa ni Ruffa kay Via Veloso na nagandahan din sa teaser, 20 times na niya itong pinanood.
Hindi lang si Ruffa ang nagandahan sa teaser at paulit-ulit itong pinanood, pati ang ibang mga fans ni Richard, paulit-ulit ding nanood.
Excited na ang mga fans ni Richard na muli siyang mapanood sa action series at ang bilang nga nila, 10 months na silang naghihintay ng bagong project ng aktor.
Sigurado ang mga fans ni Richard na magiging worth it ang kanilang paghihintay sa Incognito na sa Palawan pa ang taping. First time magsasama-sama sa isang series sina Richard, Daniel Padilla, Baron Geisler at Ian Veneracion, at isa ito sa mga nagpapa-excite sa mga fans at mga Kapamilya viewers.
Speaking of Ruffa, may heartfelt post ito para sa sister-in-law niyang si Alexa na pumanaw one month ago.
Pahayag ni Ruffa, naiiyak pa rin siya kapag naiisip na hindi na babalik si Alexa, hindi na niya mayayakap, hindi na makakasabay tumawa at hindi na makakatsikahan.
“Your beautiful soul will never be forgotten,” sabi pa ni Ruffa Gutierrez.
Tinukso si Ruru Madrid na very much in love sa girlfriend niyang si Bianca Umali dahil sa comment niyang, “‘Di ka nakakasawang tingnan,” sa photo post ni Bianca habang nasa Thailand.
May TVC shoot yata si Bianca kaya nasa Thailand, at dahil trabaho, hindi sumama si Ruru. Saka, busy din si Ruru sa taping ng Sang’gre at nagsu-shooting na rin ng pelikulang Green Bones (GB). Ang nasabing pelikula ang entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 50th MMFF sa direksiyon ni Zig Dulay.
Pasaway lang ang mga fans dahil alam naman nila na sina Ruru at Bianca ang may relasyon, isiningit pa talaga si Gabbi Garcia dahil kinumusta kay Ruru si Gabbi. Isang kapwa fan ang sumagot na si Gabbi ay nasa jowa niyang si Khalil Ramos.
Pero, totoo namang maganda si Bianca, natural ang beauty nito at sexy pa. Idagdag pa na mahusay siyang artista, kaya lalong nai-in love sa kanya si Ruru Madrid.





Comments