top of page
Search
  • BULGAR

Kahit wala pa sa ‘Pinas… COVID-19 health protocols, gawin vs. monkeypox – DOH

ni Lolet Abania | July 24, 2022




Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na sundin ang parehong health protocols laban sa COVID-19 para maprotektahan ang sarili sakaling ang monkeypox virus ay pumasok sa bansa.


Muling inisyu ng DOH ang public health advisory hinggil sa monkeypox, matapos na ideklara ito ng World Health Organization (WHO) nitong Sabado bilang isang “public health emergency of international concern” – ang pinakamataas na alarma na maaaring ianunsiyo.


Ayon sa DOH, katulad ng minimum public health standards para sa COVID-19, ang mga measures na ipinatutupad para maiwasan ang transmission ng monkeypox virus ay pagsusuot ng tama at saktong mask na may tiyak at maayos na airflow, pagpapanatili ng malinis na mga kamay, at pag-oobserba ng physical distance.


Binanggit din ng DOH na ang smallpox vaccine ay napatunayan na “85% effective” sa paglaban sa monkeypox.


Sa isang statement ngayong Linggo, sinabi ng DOH na naghahanda na sila sa kanilang monkeypox response katuwang ang kanilang mga partners mula pa nang magkaroon ng mga kaso na nai-report sa maraming bansa noong Mayo 2022.


Noong Hunyo, isang real time polymerase chain reaction (PCR) assay ang nai-set up ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para i-detect ang posibleng monkeypox virus cases sa bansa.


Bukod sa pagre-release ng interim technical guidelines para sa implementasyon ng monkeypox surveillance, screening, management, at infection control, ayon sa DOH, nagsagawa rin sila ng online town halls at meetings sa mga health care workers, DOH regional offices, at local health officials.


Tiniyak naman ni DOH Officer-in-Charge Dr. Maria Rosario Vergeire na wala pang nade-detect sa Pilipinas ng kahit isang kaso ng monkeypox virus.


“Hanggang sa ngayon, wala pa rin pong nakitaan sa Pilipinas na pasok sa depenisyon ng isang suspect monkeypox case. Ang itsura ay karaniwang naipapaliwanag ng ibang mga sakit na kahawig ng monkeypox, ngunit hindi nito kapareho,” paliwanag ni Vergeire sa isang statement.


Ayon sa DOH, “Monkeypox is a virus transmitted to humans through close contact with an infected person or animal, or contaminated materials. Some of its symptoms include fever, rashes, lymphadenopathy, or death.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page