top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit wala nang shows… PIOLO, BEA, KIM, ANGELICA, ENCHONG, MAJA AT JOSHUA, 'DI IIWAN ANG DOS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 19, 2020
  • 1 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 19, 2020




Trulili ba ito na maraming management company ang nakaabang sa mga Star Magic artists na nakatakdang pakawalan na isa sa mga araw na ito?


Wala naman kasing maibigay na projects ang Star Magic dahil wala nang programa sa ABS-CBN. Ang mga teleseryeng nagte-taping ay tinatapos na lang kaya hindi na puwedeng isama pa ang mga artista nila.


Kesa iburo ay pakakawalan na lang para makapagtrabaho sa ibang TV network o mabigyan ng project dahil kailangan din namang mabuhay ng mga ito.


May sitsit na may ilang pangalan na ang nagpaalam sa talent management ng ABS-CBN na pinamumunuan ni Mr. Johnny Manahan.


Feeling namin ay hindi iiwanan ng mga established artists tulad nina Piolo Pascual, Angelica Panganiban, Bea Alonzo, Kim Chiu, Enchong Dee, Maja Salvador, Joshua Garcia at iba pa ang TV network na nagpasikat sa kanila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page