Kahit wala na si Nora… NORANIANS, MALAKI PA RIN ANG GALIT KAY MATET
- BULGAR

- Jul 13, 2025
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 13, 2025
Photo File: Matet De Leon - IG
Malalim na ang tampo ng mga Noranians kay Matet de Leon. Nag-ugat iyon sa kanyang mga pinagsasabi noong nabubuhay pa ang Superstar/National Artist na si Nora Aunor.
Nagkaroon ng tampuhan sina Ate Guy at Matet, kaya kung anu-ano ang nasabi ng huli sa mga interviews laban sa kanyang ina.
Masakit ang mga salitang kanyang binitiwan at nagmarka ‘yun at tinandaan ng mga Noranians.
Kaya nang nag-live selling si Matet ay may mga bashers na nag-comment at nagpaalala sa ginawa niyang panlalait sa kanyang ina.
Hindi napigilan ni Matet ang maiyak dahil labis siyang nasaktan sa comments ng mga bashers.
Well, hindi ganu’n kadali upang malimutan ng mga Noranians ang paglapastangan ni Matet kay La Aunor. Pero kung makikitang seryoso siya sa kanyang paghingi ng tawad sa ina, baka matanggap na siya ng mga ito.
ALL-PRAISES ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara kay Barbie Forteza na tumulong at dumamay sa kanya sa panahon na siya ay nalulungkot at brokenhearted.
Napatunayan ni Kyline na isang sincere na kaibigan si Barbie at maaasahan sa pagdamay. Kahit daw hindi niya sabihin na kailangan niya ang moral support, nararamdaman ni Barbie ang pinagdaraanan ni Kyline. Kaya kapag wala silang taping ay dadalawin siya ng kaibigan at yayayaing kumain sa labas at manood ng sine.
Ganu’n ka-concerned si Barbie kay Kyline, hindi lang magkaibigan ang kanilang samahan kundi para na silang magkapatid. Kaya naging madali para sa kanya ang pagmu-move on sa pinagdaanang kabiguan sa pag-ibig.
Ngayon ay bumalik na ang sigla ni Kyline, lagi na siyang masaya sa taping ng Beauty Empire (BE). Mas naging malapit sila sa isa’t isa ni Barbie, at nagpapasalamat siya na nakatagpo ng isang tunay na kaibigan.
At marami rin siyang realization na natutunan kay Barbie, dapat daw ay inuunang mahalin ang sarili bago ang iba.
Bagama’t parehong brokenhearted sina Barbie Forteza at Kyline Alcantara, magkaiba sila ng diskarte sa pagmu-move on. Pero mas strong na sila ngayon.
ALAM ni Dina Bonnevie na isa sa mga pangarap ng kanyang anak na si Oyo Sotto ay ang maging direktor. Kaya naman, timing ang pagkakabuo ng House of D (HOD) dahil sa kanya ipinagkatiwala ang pagdidirek ng nasabing online show.
Ramdam ang kakaibang saya at sigla ni Dina na makasama ang kanyang mga anak na sina Danica at Oyo. Kasama rin dito ang kanyang mga manugang na sina Kristine Hermosa at Marc Pingris.
Sa pilot episode ng HOD ay naglabas sila ng kanilang mga saloobin sa kanilang pagsasama-sama sa isang show. Marami ang nagsasabing masaya si Dina dahil natagpuan nina Danica at Oyo ang karapat-dapat sa kanilang life partner.
Mabait at very domesticated wife si Kristine, hands-on siya sa pag-aalaga sa 5 nilang anak ni Oyo. Naging priority ni Kristine ang kanyang pamilya kesa sa kanyang career.
Si Danica naman ay masuwerte rin sa mister niyang si Marc, mabait ito at napaka-down-to-earth. Isa rin itong responsableng padre de pamilya, kaya malaki rin ang ipinagbago ni Danica nang sila ay magpakasal.
So far, marami pang puwedeng i-share sa mga viewers ang HOD. Next time ay puwede silang magkaroon ng cooking sessions dahil parehong mahihilig magluto sina Dina, Danica at Kristine.
Samantala, nai-share naman ni Dina Bonnevie na athletic type rin siya noong nag-aaral pa sa Ateneo. Bahagi siya ng volleyball team at tennis.
Bongga!










Comments