top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Kahit wala na sa showbiz… ANGEL, NAGPRAMIS NA TUTULONG SA MGA BIKTIMA NG LINDOL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 18
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 18, 2026



Angel Locsin - FB.

Photo: Angel Locsin - FB



Kilalang matulungin si Angel Locsin, pero nang magbakasyon siya sa showbiz ay hindi na siya naramdaman kaya lagi siyang hinahanap kapag may sakuna.


Kaya laking-gulat ni Melai Cantiveros-Francisco nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Angel habang nasa barko siya pauwi ng General Santos City (GenSan) na magpapadala ng tulong ang aktres sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.


Nabanggit ni Melai na nagbarko siya dahil takot siya sa eroplano.

Pahayag niya, “Guys, nandito na kami sa CDO (Cagayan de Oro City). Sumakay kami ng 2Go, nagbarko kami kasi nga takot ako sa airplane. So CDO kami at magla-land travel kami going to GenSan, 12 hours or 8 hours, ‘di ko alam. Kailangan kong umuwi para i-check din sina

Mama at mag-extend kami ng help sa abot lang ng makakaya ko kasi ‘di naman ako gobyerno para akuin lahat. Wala naman tayong ganu’n (kalaking budget), sa abot lang ng aking makakaya, share ng help.


“At dahil ngayon lang ako nagka-signal, kaya ngayon ko lang nabasa na nag-message si Angel Locsin na nagpadala ng extended help sa GenSan.


“Una na nang nagpadala sina Kim Chiu, Robi Domingo, Bianca Gonzales at lahat ng glam team ko (Ralph Miral at Villalyn Chavez) pero si Angel Locsin, thank you so much!

“Pag-uwi ko, bibili ulit ako para sa kanila kasi ‘yung ibang ka-barangay namin ay wish ding mabigyan sila kaso ‘di naman namin kayang bigyan lahat.”


Hindi mabanggit ni Melai kung ano ang ibinigay ng ‘Darna’ ng showbiz dahil next week pa niya ito ire-report.


Sa kanyang Instagram (IG) Stories ay ipinost ni Melai Cantiveros-Francisco ang mga ipapamahagi niyang kutson, kumot at groceries na kailangan ng mga biktima ng lindol.

Nabigyan ng tulong ang mga barangay ng Calumpang, Catapang, Felomina, Saeg, and Hicban, Lagao at nagpasalamat sila sa mga celebrities na nagpadala ng tulong sa kanila.





SA dami ng mga tagasuportang nag-agawan para makakuha ng mga inaabangang tiket para sa ikatlong edisyon ng Puregold OPM Con, inaasahang punumpuno ang Araneta Coliseum sa Hulyo 11.


Malalaking performers naman kasi ang magpe-perform sa pangunguna ng SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G, Skusta Clee, SunKissed Lola, G22, KAIA, at Xonara, kaya hindi talaga ito dapat palampasin ng mga fans.


“Isang malaking tagumpay ng Puregold ang maubos ang mga tiket ng aming ikatlong OPM Con sa loob lamang ng dalawang araw,” ani Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold. 


Dagdag pa niya, “‘Di lamang mga performers ang aming mga artista, sila ang nagbibigay ng himig sa mga pang-araw-araw na sandali, mahahalagang yugto, at mga alaalang pinahahalagahan natin. 


“Pinagsasama ng Puregold OPM Con 2026 ang mga karanasang ito sa iisang lugar, isang pagdiriwang ng mga artista at kanilang mga tagahanga.”


Sa OPM Con Generations 2026, sa kauna-unahang pagkakataon ay naubos ang lahat ng tiket sa loob lamang ng dalawang araw. Upang makuha ang kanilang mga tiket, nagpalipas nang magdamag at maagang pumila ang mga kalahok sa mga tindahan o branch ng Puregold, habang namimili ng mga groceries na katumbas ng halaga ng kanilang napiling seksiyon ng upuan o ticket tier. 


Dagdag na biyaya ang OPM Con 2026 para sa mga tapat na mamimili, dahil natanggap nila ang tiket nang walang karagdagang bayad, bukod sa kanilang mga pinamiling pang-araw-araw na pangangailangan.


Ngayong sold-out na ang concert, lalo pang tumitindi ang pananabik ng mga tagahangang nakakuha ng kanilang puwesto sa Araneta Coliseum, kung saan nakatakdang ihatid ng Puregold ang isang gabing tiyak na tatatak sa alaala ng lahat sa Hulyo 11.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page