top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit wa' work, tuloy lang ang paniningil ng kuryente

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 14, 2021



KUNG NAGAWA NG MAYOR NG SORSOGON CITY NA IPABAKLAS ANG BILLBOARD NI MAYOR SARA, MAGAWA RIN KAYA NI MAYOR JOY BELMONTE NA IPABAKLAS ANG BILLBOARD NG ANAK NG PANGULO SA EDSA?--Sa EDSA ay may ga-higanteng billboard si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na may nakasaad na "Sara All" at ang ganyan kalaking billboard ng ni Mayor Sara ay ikinabit din sa Sorsogon City pero pinabaklas agad ito ni Mayor Ma. Ester Hamor kasi bukod sa may pandemya ay hindi rin humingi ng permit sa city hall ang mga nagkabit ng billboard ng presidential daughter.


Kaya't ang tanong: Magawa rin kaya ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ipabaklas ang ga-higanteng billboard ni Mayor Sara sa kanyang nasasakupan? Abangan!


◘◘◘


UNGGUYANG ANG PURIHAN NOON NINA P-DUTERTE AT YORME--Noong Setyembre 10, 2019 ay pinuri ni P-Duterte si Mayor Isko Moreno dahil maganda raw ang pamamalakad nito sa Maynila, at ang tugon naman ni Yorme ay papuri rin sa pangulo na kesyo ang reflection daw nang ginagawa niyang pagsisilbi sa mamamayan ay dahil sa klase ng liderato ng pangulo ngayon.


'Yung pagpuri nilang 'yan sa isa't isa ay noon, pero ngayong magbabangga ang Team Duterte at Team Isko sa halalang 2022 ay nagtitirahan na sila.


Dahil magkagalit na sila ngayon ay lumalabas na nag-uunguyan lang pala sila sa ginawa nilang pagpuri sa isa't isa noon, boom!


◘◘◘


DAPAT MAGSABATAS NA NG MABIGAT NA KASO SA MGA NAGPE-FAKE NEWS--Matapos may mag-fake news sa social media na may walk-in sa Maynila at dagsain ng tao mula sa iba't ibang lugar ang lungsod noong Aug. 5 ay kinabukasan, may nag-fake news din sa social media na mamimigay daw ng ayuda ang Quezon City gov't. kahit sa mga hindi taga-QC.


Sa mga isyung 'yan ay dapat nang gumawa nang mabigat na batas laban sa mga nagpe-fake news para maturuan sila ng leksiyon kasi malaking perhuwisyo sa mamamayan ang naidudulot ng kanilang pekeng balita na pino-post sa social media, period!


◘◘◘


ABNORMAL ANG PAMUMUHAY NG MGA APEKTADO NG LOCKDOWN, PERO ANG PANININGIL NG MERALO AT KUMPANYA NG TUBIG NORMAL--Nagmistulang "abnormal" na naman ang pamumuhay ng mga residente sa Metro Manila kasi sa ilalim ng ipinaiiral na lockdown ng gobyerno ay pinagbabawalan muna silang magtrabaho at asa na lang muna sa ayuda na P1,000 sa bawat tao at P4, 000 sa may apat (o higit pa) na miyembro ng isang pamilya.


Ang masaklap lang sa isyung ito, kung nagmistulang "abnormal" ang pamumuhay ng mga apektado ng lockdown kasi nga ay pilit nilang pagkakasyahin sa panahon ng ECQ (Enhanced Community Quarantine) ang maliit na ayuda, normal ang gagawing singil sa kanila ng Meralco at mga kumpanya ng tubig pagkatapos ng lockdown, tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page