Kahit todo-tago pa, Bea… BUKING SA VIDEO: JULIA, NADALA NA NI GERALD SA PRIVATE RESORT SA ZAMBALES
- BULGAR

- Sep 7, 2020
- 3 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 7, 2020

Isinama nga ba ni Gerald Anderson si Julia Barretto sa kanyang private resort sa Zambales?
Viral ang video na kuha ng isang netizen sa isang beachfront sa Zambales na pag-aari ni Gerald. Naging palaisipan sa ilang mapanuring netizens na napadako sa beachfront noong oras na 'yun kung si Gerald ba talaga ang namataan nila na may kasamang girl na anila'y kahawig ng aktres na si Julia Barretto.
Anila'y tugma ang babae sa deskripsiyon kay Julia na ngayo'y sporting a long hair.
Ayon sa netizen na nag-upload sa video, nakapuwesto ang lalaki at ang babae sa labas ng glass house kung saa'y tanaw ang magandang view ng beach. Kitang-kita sa video na nakaupo ang babae, at sa bandang kanan niya ay makikitang nakatayo naman ang lalaki.
Kumbinsido ang mga nasabing netizens na palagi nang napapadaan sa beachfront (dahil sa pagbabaka-sakaling makita ang ilang celebs na kasama ng aktor) na si Julia ang kasama ni Gerald nang mga oras na 'yun dahil pamilyar sa kanila ang isang taong nandu'n — ang long-time personal assistant (PA) ng aktor na si Jalal Laidan na anila'y kumukuha rin ng photos ng dalawa.
Sa nasabing video, kapansin-pansing may nakalapat na salitang "anniversary," pero hindi pa tukoy kung kasama ito sa original video ni Jalal.
Nito lang huling bahagi ng August, 2020, may netizens na pumuna kung nasaan daw si Julia nang kapanayamin sa Kapamilya online show na Jeepney TV. Kasi nga'y napansin nilang ang bamboo headboard sa kinauupuan ni Julia ay kapareho ng bamboo bed na makikita sa glass room ni Gerald sa Zambales.
Bago ang nasabing video, sa kasagsagan ng Covid-19, ilang beses nang pinuna ng mga netizens ang whereabouts ng aktres na naugnay dati sa aktor na si Joshua Garcia.
Sa online show ni Toni Gonzaga na I Feel You noong August 9, 2020, may nagtanong sa host kung nasaan daw ba si Julia? May hinala kasi ang mga netizens na tila nasa Zambales resort ni Gerald ang aktres.
Pamilyar ang mga netizens sa beachfront property ni Gerald dahil dalawang beses nang nagbahagi ang aktor ng walking tour nito sa kanyang YouTube channel.
Sa kanyang vlog noong August 8, makikitang naglilinis si Gerald sa loob ng kuwarto na noo'y hindi pa kumpleto ang naka-install na floor-to-ceiling glass doors. Doon din daw inabutan ng lockdown ang nakabakasyong ama ni Gerald nang magsimulang i-enforce ang strict quarantine protocols.
Nagiging pamilyar na ang mga gamit ni Gerald sa beachfront lalo na ang bamboo bed na may headboard na kahawig daw ng furniture na nakita sa online interview kay Julia sa I Feel You at Jeepney TV.
Kapansin-pansin din daw ang tan lines (na nakukuha sa pagbibilad sa araw o sa beachfront) ni Julia sa ilang Instagram posts niya tulad noong August 2 at nito lang September 1.
Habang si Gerald naman ay masipag mag-post sa Instagram ng mga larawang kuha sa kanyang Zambales resort.
Hanggang ngayon, dedma pa rin sa mga tanong ang dalawa pagdating sa estado ng kanilang love life. Gaya nitong nakaraang presscon ni Gerald ng Love Unlock noong August 11, diretsahang tinanong ang aktor kung magkarelasyon nga ba sila ni Julia. Ani Gerald, gusto niyang manahimik kapag isyu na ng love life ang pinag-uusapan.
"Ganu'n po talaga 'yung character ko. I mind my own business. At ipapayo ko rin 'yan sa ibang tao," matalinghaga pa niyang sagot.
Pero hindi kinumpirma at hindi rin itinanggi ni Gerald ang balitang may unawaan sila ni Julia.
Solid din ang pananahimik ni Julia sa mga tanong tungkol sa umano'y relasyon nila ni Gerald.
Nagsimulang matsismis ang dalawa pagkatapos nilang magsama sa pelikulang Between Maybes noong May, 2019.
Naging palaisipan din sa mga netizens ang pagbanggit ni Julia ng kanyang "mystery loved one" sa kanyang Instagram post noong March 11, 2020, na ang kanyang mysterious guy umano ay naging bisita niya sa kanyang birthday dinner sa kanyang bahay. Ito'y pagkatapos ng kanyang breakup sa ex na si Joshua.





Comments