top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Kahit suspendido sa TV… IT'S SHOWTIME, TULOY ANG SHOW SA ONLINE WORLD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 6, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | September 6, 2023



Nang dahil nga sa decision na inilabas ng MTRCB na nagpapataw ng 12-day suspension sa It's Showtime, samu’t saring opinion ang naglalabasan at umabot na sa puntong personal at political.


May mga panawagan na rin na mag-resign si Chair Lala Sotto, habang may mga balitang naghahanap na ng padrino ang mga ehekutibo ng show para iapela sa Malacañang ang naging desisyon ng MTRCB.


Ayon kasi sa batas, ang naturang suspension order ay posible pa ring iapela sa loob ng 15 days at dahil under the office of the President nabibilang ang MTRCB, sa naturang opisina na ito dapat gawin ng It's Showtime ang pag-aapela.


Palaban at iba ang suporta ng madlang pipol sa naging desisyon ng MTRCB. Naging personal na rin ang pagbanat at pagbira kay Chair Lala, at lalo pa itong lumalala dahil mukhang hindi naman nagpapatinag ang programa na naninindigang wala silang nakikitang violation sa inilabas na desisyon.


Kahapon sa programa ay binasa nga ni Kuys Jhong Hilario ang isang statement na naninindigan at nananawagan ng pag-apela sa mga susunod na araw, habang sinasabi rin nitong patuloy pa ring mapapanood ang kanilang programa.


At bilang alternatibo, if ever man daw na mai-serve ang decision ng MTRCB, meron pa ring 'online' platform na puwedeng pagtanghalan ng show.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page