Kahit Superstar at National Artist pa… NORA, 'DI NA KILALA NG MGA BATA
- BULGAR
- Oct 24, 2024
- 2 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | Oct. 24, 2024
Photo: Nora Aunor - PTV / Circulated
Kung aware man o hindi si Nora Aunor sa mga pinaggagagawa ng mga tagahanga niya, the bottom line is, siya itong higit na nasisira.
Bago pa man inanunsiyo ang huling final films na makakasali sa 2024 MMFF, sari-sari nang pakikipagbardagulan ang ginagawa ng kanyang mga alipores na nakulong na sa pag-iidolo kay Ate Guy. ‘Yun bang naging mga delulu na rin at wala nang bukambibig kundi ang sinasabi nilang Best Actress for 5 continents at pagiging National Artist nito, etc..
Na kesyo hindi na nito need ang MMFF at kung sa karibal lang naman daw nitong si Ate Vi (Vilma Santos) ay mamabutihin na lang nilang matulog, etc..
Nakakaloka dahil siyempre, hindi naman sila papatulan ng mga kapwa Vilmanians, lalo’t dinadala nila sa ibang usapin at pamemersonal ang pag-bash sa Star for All Seasons.
Personally, matagal na naming tinigilan at inihinto ang pagsagot sa mga Noranians (marami rin akong kaibigan mula sa hanay nila, pero sure akong mga edukado sila at never nilait si Ate Vi) dahil way, way beyond na ang inabot ng career ni Ate Vi lalo na sa personal nitong buhay.
Kumbaga, sa kompetisyon nila, wala nang relevance at sustansiya unlike in the 70s and early '80s. Hindi na nga kilala ng mga batang Alpha, Gen Z at ibang millennial si Nora Aunor, na isang nakakalungkot na katotohanan.
At dahil nakapasok na naman nga sa ika-50 anibersaryo pa naman ng MMFF ang Uninvited entry ni Ate Vi, heto at nagngangalit na naman ang hindi maka-move forward na mga alipores ni Ate Guy at kung anu-ano na namang pagbibintang ang ginagawa na kesyo may palakasan, na kesyo ine-extend ang deadline ng MMFF sa last five films para makasali ang film ni Ate Vi, at napakarami pang kaeklayang unfounded naman.
Imbes naman kasi ayusin ang pagsuporta sa idolo nila o ‘di kaya’y makipagtrabaho nang maayos sa matitinong producer at screenwriters na pasado ang komersiyal at artistic qualities, puro pakikipagbardagulan sa gawa ng ibang stars — not necessarily Ate Vi — ang alam gawin ng mga Noranians.
Tapos ‘pag may movies naman o TV series ang idol nila, never nilang sinusuportahan man lang, 'di tulad ng ipinapakita ng mga Vilmanians.
O baka totoo ang statistics na wala nang solid following si Bulilit?
Kung tama ang nakuha naming info, ‘yung supposedly Mananambal movie ni Ate Guy na inirereklamo nila dahil sa mas may magandang billing ang co-star nitong si Bianca Umali ay balitang isinali rin.
‘Yun nga lang, again, hindi ito pumasa diumano sa panlasa ng screening selection committee. Last year nga ay hindi na napasama ang Pieta movie nila ni Alfred Vargas sa MMFF, kaya’t magkasunod na dagok ito para sa mga Noranians.
Imbes kasi mainggit at magpaka-nega sa mga achievements ng iba, mas maging productive at innovative rin po kayo, 'noh!
Nakarating nga sa aming kaalaman na meron umanong dalawang ex-members ng URIAN na asar na asar ngayon sa MMFF Selection Committee dahil muli na naman daw naisnab ang movie ni Ate Guy. Mga napaglumaan ng panahon din yata ang mga ito.
Aguy!!!
Comments