top of page

Kahit si Vice ang todo-tulong sa kanya… RYAN BANG, SI JHONG ANG KINUHANG BEST MAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 days ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | July 1, 2025



Photo: Jhong at Ryan Bang - IG


Nalalapit na ang kasal ni Ryan Bang at ng fiancée niyang si Paola Huyong. Nagpe-prepare na sila kung sinu-sinong celebrities ang nasa kanilang entourage.


Kamakailan sa It’s Showtime (IS), nagbibiruan ang lahat ng hosts about kasalan, hanggang napunta ang atensiyon nila sa Korean co-host na si Ryan.


Sa gitna ng kanilang biruan ay nagseryoso ito. Tinanong niya si Jhong Hilario, “Can you be my best man?”


Tila nagulat si Jhong, pero tinanggap niya ang alok ni Ryan.

Tanong ng mga hosts kung bakit si Jhong at hindi si Vice Ganda ang kanyang kinuha.


Esplika niya, “S’yempre ako, sa puso ko, sa buong buhay ko, pinakamalapit sa akin na kaibigan ay si Kuya Jhong Hilario.”


In-explain din niya kung bakit hindi si Meme Vice ang kanyang Best Man, gayung ito ang halos tumulong sa kanya simula’t sapul nang lumabas siya sa Pinoy Big Brother (PBB) house noon.


Sey ni Ryan, “Ikaw ang pinaka-close ko… Para talaga tayong… totoo, ha, more than tunay na kapatid. Sabi ko, ‘Lord, bakit ba ako nag-iisa? Gusto ko sana may kuya ako, may kapatid ako.’ 


“Ikaw ‘yung gift sa akin ni Lord. Kayo lahat, sina Kuya Vhong. Pero Kuya Jhong, ikaw ang idol ko. Sa sobrang bait mo sa lahat, kaya gusto kong maging ikaw.


“Eh, si Mommy Vice, kunin ko s’yang Best Man, magagalit ‘yun, nanay ko ‘yun, eh.”

Wika naman ni Jhong, “S’yempre, nandoon ako. S’yempre, tatanggapin ko ‘yan, kasi para maging isang Best Man ni Ryan Bang, na mapili ako, malaking karangalan ‘yan. S’yempre, marami na tayong pinagsamahan.”


Binanggit din ni Jhong ang naging journey ni Ryan Bang na nakahanap ng second family niya sa ‘Pinas, lalo na sa It’s Showtime. 


“Alam ko kung gaano kahirap ‘yung makipagsapalaran dito sa Pilipinas na walang pamilya, ikaw lang mag-isa. Pero nakahanap ka ng totoong pamilya, pangalawang pamilya mo, kay Vice, sa akin, sa buong Showtime,” madamdaming sey ni Jhong Hilario kay Ryan Bang.


Ang suwerte naman ni Ryan Bang dahil blessed na ang career, may mga tunay pang kaibigan sa showbiz.


Patay nang si Nora, idinamay pa…

MATET, NA-HURT NA WALA NANG CAREER KAYA NAGLA-LIVE SELLING, NAPAIYAK


Napaiyak si Matet de Leon habang nagla-live selling sa TikTok (TT) dahil sa masasakit na komento ng mga netizens.


Hindi napigilan ni Matet ang mapaiyak matapos makatanggap ng masasakit at mapanirang komento mula sa ilang bashers na tila minamaliit ang kanyang pagsusumikap na kumita. 


Isa sa mga komentong kanyang natanggap, “Wala na kayo project?”

Pati ang namayapa niyang ina na si Superstar Nora Aunor ay nadamay pa.


“Suplada ‘to, kaya iniwan ni Ate Guy,” kung saan ang tinutumbok ng basher ay ang personal niyang relasyon sa yumaong ina.


Sa kabila ng emosyonal na sandali, ipinagpatuloy pa rin ni Matet ang kanyang live selling sa TikTok at ipinakita ang kanyang tibay at dedikasyon sa marangal na pagkayod para sa pamilya.


Pinuri naman siya ng mga netizens sa kanyang pagiging totoo, matatag, at walang arte sa kabila ng mga mapanirang salita sa online.


Bagama’t sanay na raw si Matet sa mga kritisismo sa industriya, inamin niyang hindi niya inaasahang ganito kabigat ang mararamdaman niya habang nagsusumikap lang siyang magbenta online.


Emosyonal siyang nagpahayag na hindi masama ang maghanapbuhay nang marangal at hindi dapat ginagawang biro o pang-iinsulto ang live selling.


Komento naman ng mga nakikisimpatya sa aktres, “Kahit artista, kailangan ding kumayod. Respeto naman sana.”


“Nakaka-proud ka, Matet, walang arte sa katawan, tunay na madiskarte.”


“Grabe ang iba, wala nang awa. Kahit artista, tao rin na nasasaktan.”


“Mas may dangal pa ‘tong ginagawa niya kaysa sa mga nagpapasikat sa TikTok para lang sa clout.”

True!


Samantala, may mga nagtatanong din kung wala bang naiwang pamana sa kanilang magkakapatid ang inang si Nora kaya kuntodo-kayod daw si Matet?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page