top of page

Kahit sa Top 16, laglag… CELESTE, INIWAN SA ERE NG MISS UNIVERSE PHILS. DAHIL TALUNAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 18, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | January 18, 2023




Meanwhile, dedma pa rin ang pamunuan ng MUP (Miss Universe Philippines) Organization sa akusasyong nag-walk-out sila at iniwan sa ere si Celeste Cortesi after nitong hindi mapasama sa Top 16 ng katatapos lamang na Miss Universe pageant.


Kumalat kasi sa socmed ang mga larawang ang BF at nanay lang ni Celeste ang kanyang kasama after ng pageant at nowhere to find ang mga supposedly taong nagpapatakbo ng kanyang representasyon sa naturang kontes.


Tuloy ay dumami ang panawagan na magbitiw na sa kanilang posisyon sina Jonas Gaffud, Voltaire Tayag at Shamcey Supsup na mga pangunahing lider ng MUP.


May mga nanawagan pang ibalik na lamang kay Madam Stella Marquez de Araneta ang prangkisa ng MUP dahil kahit kailan daw ay "never" na iniwan ni Madam ang kanyang mga ipinapadalang kandidata sa mga international beauty contests, manalo man o matalo!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page