Kahit sa ABS-CBN nagsimula… RAYVER: IBA ANG GROWTH KO SA GMA-7
ni Ambet Nabus @Let's See | January 16, 2024

Kahit pinag-uusapan na nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose ang kanilang kasal, excited pa rin si Rayver sa magandang nangyayari sa kanyang career.
Hindi tuloy naiwasang maikumpara ang kanyang estado bilang aktor noong nasa ibang network pa siya.
Bilang Kapuso nga for quite a time ay itinuring ni Rayver na mas nag-grow siya bilang responsableng aktor.
"Grateful naman po ako kung saan ako nagsimula. Pero dito (GMA-7) ko talaga naranasan at naramdaman ang pagiging isang determined na artista. Iba po ang naging growth ko dito and yes, dito ko rin natagpuan ang babaeng soon ay magiging ka-partner ko na for life," paliwanag ni Rayver.
Ang latest series na pinagbibidahan ni Rayver ngayon ay ang Asawa ng Asawa Ko, kasama sina Jasmine Curtis-Smith, Liezel Lopez, Joem Bascon at marami pang ibang de-kalibreng artista.
Si Direk Laurice Guillen ang direktor nito at nagsimula na nga itong umere sa GMA-7 Afternoon Prime noong Lunes, Jan. 15.





Comments