top of page

Kahit pinagnasaan ni Cong. Suntay… ANNE, TULOY SA PAGDISPLEY NG KATAWAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | March 22, 2026



Anne Curtis - Instagram

Photo: ANne Curtis - Instagram



“Ang hot nilang lahat. Imagine si Alice (Dixson), mid-50s na pero baba-boom pa rin ang kaseksihan. Si Atasha (Muhlach), grabe ang transformation ng physical attributes na may pinagmanahan talaga sa ganda at sexy. 


“At si EJ (Obiena), perfect ang hotness. ‘Di man s’ya ‘yung typical na guwapo, pero oozing with sex appeal. And yes, dyosang-dyosa si Anne (Curtis). Talaga namang kahit sino ay magde-desire sa kanya,” ang halos nagkakaparehong komento ng mga netizens sa lumabas na ad ng Century Tuna Superbods.


Ang apat na celebrity endorsers ang pinag-uusapan ngayon sa mga socmed (social media) sites dahil bukod sa perfect spokespersons daw ang mga ito, punumpuno umano ng kredibilidad at husay para lalong pag-usapan ang naturang food brand in line of their physicality, hotness, sexiness and the likes.


May mga nangangantiyaw nga sa food brand company na maglagay ng malaking billboard sa tapat ng mga gasolinahan ni Cong. Bong Suntay upang maging ganap diumano ang ‘pagnanasa o pag-iinit nito’ kay Anne Curtis.


Pero may kengkoy namang nagsabi, “Naku, baka ‘di si Anne Curtis ang pansinin n’ya, kundi si EJ Obiena.”


Nakakalokang joke time. Hahaha!





Never iiyakan… JAKE, WA’ PAKI NA INIWAN NA SI CHIE NG IPINALIT SA KANYA



Wala naman na talagang dapat pang i-react ang kaibigan nating si Jake Cuenca sa kung anumang estado ng love life ng ex-GF niyang si Chie Filomeno.


Ke totoo o hindi na basta na lang diumano ‘iniwan’ sa ere si Chie ng napabalitang BF niya na isang Lhuillier, ano pa ba ang ‘paki’ ni Jake?


Kaya doon sa mga nagpapakalat na muli itong iniyakan ng magaling na character actor, hello, mag-ilusyon kayo kasama ni Chie. Hahaha!


Kaya nga perfect timing na nagsulputan ngayon ang ilang photos na makikitang masayang nakikipagtsikahan kay Rabiya Mateo while having meals itong ating kaibigan.

May mga nagsasabing matagal na rin umanong nagkikita ang dalawa lalo’t alam ng marami na mahilig talaga si Jake sa mga beauty queens, gaya ng ex-GF niyang si Kylie Verzosa.


‘Yun nga lang, paano kaya ‘yun mare-reconcile sa naglabasan kamakailan lang na tsika na may open communication diumano ngayon sina Rabiya Mateo at ex-BF nitong si Jeric Gonzales na inaakala nga ng ilan na paraan daw upang muli din silang magkabalikan?


Ano ba, mga ateng na Ka-BULGAR natin?





SOLID na solid naman ang naging pagbabalik-eksena sa concert ng BTS (Bangtan Boys) sa Gwanghwamun Square, South Korea.


Bago pa man sila muling pumalaot sa global scene, siyempre sa mismong kaharian nila sa South Korea muna sila eeksena.


Isinabay ito sa ngayo’y record breaking album nilang Arirang na naitala ang record bilang ‘most streamed K-Pop album in Spotify history’ at maging ‘the most streamed album in a single day in 2026’.


Sa NETFLIX namin napanood last March 21 ang naturang live and free concert kung saan nagsilbing ‘art piece’ backdrop ang Gyeongbokgung Palace.


Grabe ang nakita naming mga nagtitilian, nag-iiyakan, sumisigaw, pumapalakpak at halos sumasamba nang  ARMY (tawag sa mga fans) nila.


Mula sa lider nilang si RM (Kim Nan Joon) na naka-cast pa dahil sa ankle injury, bonggang-bongga ring winelkam nina JIN (Kim Seokjin), SUGA (Min Yoongi), J-HOPE (Jung Hoseok), JIMIN (Park Jimin), V (Kim Taehyung)


at JUNGKOOK (Jeon Jungkook), ang daan-daan libong mga tagahanga nila  na halu-halo ang lahi, kasama na ang mga Pinoy fans.


Walong mga awitin mula sa album nilang Arirang ang pinerform ng BTS gaya ng Body to Body, Aliens, Normal, 2.0, kasama na ang mga fan-favorite hits na Dynamite, Butter, Mikrokosmos, at Mic Drop.


Hay naku, sila lang naman ang rason, mga Ka-BULGAR, kung bakit ko mahal na mahal ang sariling atin na SB19. Hahaha!


By April, 2027 pa sila nakaiskedyul mag-concert dito sa Pilipinas kaya pag-ipunan na, ha?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page