Kahit patago, buking pa rin…
- BULGAR

- Jan 8, 2021
- 1 min read
DOMINIC, IPINAGMALAKI KUNG SAAN GALING ANG IPINAMBAYAD SA DATE NILA NI BEA
ni Nitz Miralles - @Bida | January 8, 2021

Kinilig ang mga shippers nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa tsikang may steak date ang dalawa sa Wagyu Studio Manila. Kaya lang, sa post ni Dominic, hindi ipinakita kung sino ang kasama niya sa resto dahil picture lang niya ang ipinost nito at iba’t ibang anggulo ng steak.
May ipinost si Dominic na right leg at left leg na parehong naka-rubber shoes, pero hindi nakita ang mga mukha kaya ang hula ng mga fans, mga paa nina Bea at Dominic ‘yun.
Dahil ipinakita ni Dominic ang kanyang mukha sa kanyang post, biro ng mga fans, si Bea pala ang "girlfriend sa dilim" at hindi si Dominic ang "boyfriend sa dilim". Hahaha!
Sabi ng mga fans, nakita nila sa IG Story ni Bea ang same shoes, kaya ang paniwala nila, magkasama sa steak dinner ang dalawa na sa hashtag ni Dominic na #PaidUsingMyLykaGems, @LykaGems @lyka.global," care of ng Lyka ang kanilang dinner.
Ang feeling ng shippers ng dalawa, malapit na silang umamin.





Comments