top of page
BULGARY - SHUVEE, UMUPO NA SA PRIORITY LANE SA TREN, PATI SHOPPING BAGS, PINAUPO RIN-IG _s

Kahit nasa cast… BIANCA, ‘DI KASAMA SA POSTER NG MOVIE NINA JULIA AT JOSHUA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 21 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | September 4, 2026



BIDA - BIANCA, ‘DI KASAMA SA POSTER NG MOVIE NINA JULIA AT JOSHUA-IG _bianxa

Photo: IG _bianxa



Hinahanap namin ang photo ni Bianca Umali sa poster ng Always Yours, Never Mine (AYNM), ang movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Kasama kasi ang Kapuso actress sa pelikula ng ABS-CBN at Star Studios, pero wala siyang photo sa poster at puro larawan nina Julia at Joshua ang makikita. Wala ring photos ng ibang cast.


Hindi binanggit kung ano ang role ni Bianca sa nasabing pelikula, sa mediacon na lang siguro ipaaalam, o kaya, kapag napanood na ito simula September 30. 


First time niyang nakatrabaho si Director Cathy Garcia-Sampana at first time rin niyang nakasama sina Julia at Joshua. Sana nga, may mga eksena si Bianca with the two leads.

Excited ang mga fans ng aktres na mapanood siya sa Star Cinema movie and to be working with Julia and Joshua and the rest of the cast. 


Comment ng mga fans, “Proud of you, B! Promise, papanoorin ko ‘to,” “Congrats @bianx on your first ever @starcinema movie,” at “Go, go, go, Ate B!”


Sabi ng mga fans ni Bianca, sana ay maging simula ang nabanggit na pelikula para gumawa siya ng mas marami pang pelikula. Naniniwala sila na dapat active rin sa pelikula ang aktres at hindi lang sa telebisyon siya napapanood.


And speaking of Bianca, ang ganda ng podcast nito na Simply B, mas nakikilala siya ng kanyang mga fans sa bawat episode na napapanood.


Masaya nitong ibinalita na nasa Top 5 ang kanyang podcast. From Top 10 to Top 7, at ngayon, nasa Top 5 na.


Sey ng aktres, “This incredible climb up the charts isn’t just about numbers anymore—it is beautiful proof that there are so many of us out there looking for a place to be real, to heal, and to simply be.


“I am so deeply grateful for every single one of you.”





TONI, TUWANG-TUWA NA MAY PAMANGKIN NA



ANG heartwarming ng post ni Toni Gonzaga na photo niya habang karga ang baby boy ng kapatid niyang si Alex Gonzaga at asawa nitong si Mikee Morada. Hindi ipinakita ni Toni ang mukha ng baby bilang respeto kina Alex, pero sa overlay text na “Finally, a TATA,” ibig sabihin ay tita na siya.


Nakakatuwa ang mga comments na dahil may anak na si Alex, makakaganti na si Toni sa pagpapaiyak sa pamangkin. 


Ang dalawang anak kasi nina Toni at Director Paul Soriano ay laging pinaiiyak ni Alex. 


May nag-comment pa na may tatawag na ring ‘Tata’ kay Toni at “Mukhang gaganti ang Tata, magpapaiyak din ng pamangkin.”


Ikinatuwa naman ng mga netizens ang ginawa ni Alex na hindi man buo ang mukha ng anak, ipinasilip pa rin ang hitsura nito. In fact, halos buong mukha na nito ang ipinakita. Ang caption ni Alex: “Thank You Jesus. Now we are three.”





Kung si Alex, proud na proud…

LOVI, UMAMIN KUNG BAKIT ‘DI PA RIN IPINAPAKITA ANG MUKHA NG ANAK IN PUBLIC



SA guesting ni Lovi Poe sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), binanggit ang rason kung bakit hindi pa niya ipinapakita ang mukha ni Sloane, ang anak nila ng asawang si Monty Blencowe.


Privacy ang unang rason na binanggit ng aktres sa desisyong hindi muna ipakita ang mukha ng anak.


“It’s what works for us at the moment. Maybe because of how the internet works and privacy,” ani Lovi.


“It’s a discussion that me and my husband we’re having now because eventually, it’ll be nice to share this beautiful treasure that we have. And maybe in the future,” dagdag ni Lovi.


Nai-share rin ni Lovi ang naramdaman nang maging nanay na siya. Ibang pakiramdam daw ang bigay sa kanya ng pagiging ina.


“The certain love that you can’t even explain. Parang this is no joke—now I know exactly what love means. I’ve been singing so many songs and have fallen in love with so many things, but this is different,” pahayag ng aktres.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page