top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahit nagbukas na ang klase… 76 private schools sa Western Visayas, nagsara na – DepEd

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 28, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | August 28, 2022



Mahigit sa 70 pribadong paaralan sa Western Visayas ang nagsara na habang nagsimula naman ang bagong school year ngayong linggo, base sa datos na inilabas ng regional office ng Department of Education (DepEd).


Ayon sa ahensiya, kabilang sa mga factors ng pagsasara ng mga eskwelahan ay mababang bilang ng mga enrollees at financial constraints o problema sa pananalapi.


Sinabi ni Regional Information Officer ng DepEd Western Visayas Hernani Escullar na sa naitalang 76 mga paaralan, 59 private schools ang pansamantalang nagsara habang 17 ang permanenteng nagsara.


Ang mga paaralan sa bawat local government unit (LGU) na nagsara ay Iloilo province, 10; Iloilo City, 1; Passi City, 3; Guimaras, 9; Aklan, 6; Antique, 9; Capiz, 7; Bacolod City, 6; Bago City, 1; Cadiz City, 1; Negros Occidental, 7; Sagay City, 2; Silay City, 9; Kabankakan City, 1; San Carlos City, 4.


Pahayag naman ng DepEd-Western Visayas, ang mga public schools ay handa na tumanggap ng mga estudyante mula sa mga nagsarang mga paaralan.


Kaugnay nito, ang in-person classes sa mga paaralan sa buong bansa ay nagsimula na noong nakaraang linggo matapos na magpatupad ng blended learning methods ang DepEd dahil sa COVID-19 pandemic.


Gayunman, ang mga restrictions, ang nagparalisa sa mga operasyon sa ilang maliliit na mga paaralan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page