Kahit nag-alok na ng kasal… MAGIGING MISTER NI MORISSETTE, 'DI PA RIN TANGGAP NG PAMILYA
- BULGAR

- Jan 5, 2021
- 1 min read
Updated: Jan 9, 2021
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 5, 2021

Mahirap para sa singer na si Morissette Amon ang kanyang sitwasyon ngayon. Hindi tanggap ng kanyang pamilya ang relasyon nila ng kanyang fiance na si Dave Lamar.
Naiipit si Morissette sa kanyang pamilya at sa lalaking pakakasalan.
Mahalaga para sa singer ang kanyang pamilya. Sila ang dahilan kaya siya nagsikap na makilala at magkaroon ng singing career.
Pero, mahal na mahal niya ang BF na si Dave na nag-propose na nga sa kanya last Sept., 2020. Nangyari ang nasabing proposal sa rooftop ng condo ni Morissette.
Nine years nang magkakilala sina Morissette at Dave. Seven years silang BFF. Pareho nilang first love ang isa't isa. Nagkahiwalay na sila dati pero ipinaglaban ni Morissette ang kanilang pagmamahalan.
Kung kailan matatanggap ng pamilya ni Morissette si Dave, ipinauubaya na lang ito ng singer sa Diyos. Dasal na lang ni Morissette ay sana, maging positibo ang hatid ng taong 2021 para sa kanilang lahat.





Comments