Kahit may COVID pandemic pa… MMFF SA DECEMBER, TULOY!
- BULGAR

- Jul 18, 2020
- 1 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 18, 2020

“Tuloy ang Metro Manila Film Festival sa December, Kapatid,” ang sabi sa amin ni Noel Ferrer, spokesperson ng MMDA/MMFF.
Tanong kasi ng marami, matutuloy pa ba ang MMFF sa kabila ng banta ng Covid-19 pandemic, bukod pa sa wala kaming nababalitaang nagsu-shooting ngayon para sa filmfest sa December dahil takot gumawa ng pelikula ang mga direktor at producers.
“Mamayang 2 PM (Biyernes), Kapatid, may meeting kami at pag-uusapan kung paano, pero tuloy talaga,” sabi pa ni Noel.
Nabanggit pa ni Noel na nu’ng Mayo 18 pa nagsumite ang mga producers ng entry nila para sa MMFF ngayong Disyembre.
Ilang oras lang ang nakalipas, binalikan na kami ni Noel at ipinasa sa amin ang listahan ng unang apat na pelikulang nakapasok sa 8 entries sa taunang MMFF.
Ito ay ang mga sumusunod:
Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan - horror movie na mula sa Regal Entertainment at pagbibidahan nina Joshua Garcia at Angie Ferro mula sa direksiyon ni Chito Rono at si Bob Ong ang scriptwriter.
Magikland — fantasy adventure film ng Brightlight Leisure Productions, Inc./Gallaga Reyes Films na tampok sina Jun Urbano, Migs Cuaderno, Bibeth Orteza, Elijah Alejo atbp. mula sa direksiyon ni Christian Acuna.
Praybeyt Benjamin 3 — comedy movie na pagbibidahan ni Vice Ganda mula sa ABS-CBN Film Productions, Inc. at Viva Communications, Inc.
The Exorcism of My Siszums — comedy horror mula sa Tincan Productions na pagbibidahan ng mag-utol na sina Toni at Alex Gonzaga mula sa direksiyon ni Fifth Solomon
Abangan na lang ang announcement ng natitira pang apat na entries sa MMFF 2020.





Comments