top of page

Kahit matagal na sila… BIANCA, AYAW NG LIVE-IN LANG SILA NI RURU, KASAL ANG GUSTO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 22, 2024
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 22, 2024


Showbiz News
Photo: Bianca Umali / IG

Habang nagtatagal ay lalong tumitibay ang relasyon nina Bianca Umali at Ruru Madrid. Unti-unti na nilang nalalagpasan ang mga pagsubok at nakikilala nang husto ang isa’t isa. 


Nu’ng bagu-bago pa lang ang kanilang relasyon ay madalas ang away nina Bianca at Ruru. Humantong pa ‘yun sa kanilang paghihiwalay. 


Pero, na-realize nilang pareho na hindi nila kayang magkalayo, kaya ipinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan. Naging mature ang kanilang pananaw sa aspeto ng kanilang relasyon.


Ganunpaman, sinabi ni Bianca Umali na hindi siya pabor sa live-in setup kahit gaano pa niya kamahal si Ruru. Sa tamang panahon, puwede naman silang magsama na may basbas ng kasal at hindi sila nagmamadali ng aktor dahil pareho silang may goal pa na gustong abutin sa kanilang career.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page