top of page
Search
  • BULGAR

Kahit mas sikat ang Pop Star… KZ, MAS PINILI NG DISNEY KESA KAY SARAH

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 4, 2021





Ang tinaguriang Supreme Soul Singer ng 'Pinas na si KZ Tandingan ang masuwerteng napili ng Walt Disney para kumanta ng theme song ng latest movie nilang Raya and the Last Dragon.


Tagalog theme song ang napili ng Disney para sa movie na mapapanood sa buong mundo kaya’t globally ay maririnig ang boses ni KZ.


Gabay ang title ng kanta para sa Raya and the Last Dragon.


Maraming singers ang nakapila sa listahan ng Disney para kumanta ng theme song. Katunayan, halos lahat daw ng mga singers ng bansa ay pinakinggan ng Disney.


May nauna pa ngang lumabas na baka si Sarah Geronimo ang mapili dahil sikat ang Popstar Royalty sa mundo ng musika.


Aside from Sarah, lumabas din ang pangalan nina Morissette, KZ at Ylona Garcia. But luckily, si KZ nga ang napili.


Post ni KZ sa kanyang Instagtam account, “I am so grateful to be chosen to sing the first ever Disney track in Filipino! Tune in on March 5 as Gabay from Disney’s Raya and the Last Dragon drops on Spotify. Abangan po ninyo! #DisneyRayaPH @disneyphilippines.”


May payo lang ang mga netizens sa paraan ng pagkanta ni KZ.


“'Wag lang sana OA sa pagkanta. 'Yung tipong puro kulot, puro birit, walang pahingang pagkanta na kahit instrumental, bibirit pa rin.”


"True! Sobrang OA niya kumanta. Hindi na tuloy natural.”


“Sana, siya talaga, pang-global release, hindi lang Philippines or Asia.”


“I was going to wait until ipalabas ito sa Disney Plus without paying extra. Pero since kakanta si KZ, magbabayad ako to watch early access of the movie. Congratulations, KZ! I've always been a fan since you auditioned sa The Voice Philippines.”


Ikokorek lang po namin, hindi sa The Voice PH sumali si KZ kundi sa X-Factor kung saan siya nag-grand champion.


Ang host ng X-Factor ay si KC Concepcion at ang mga judges ay sina Charice, Gary Valenciano, Pilita Corrales at Martin Nievera.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page