Kahit malaki raw ang kita… JOHN, TODO-REKLAMO NA P10K NA ANG PAMALENGKE NIYA KADA LINGGO
- BULGAR
- Dec 24, 2024
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Dec. 24, 2024
Photo: John Arcilla - FB
Kahit ang aktor na si John Arcilla ay nagrereklamo na rin sa sobrang taas ng bilihin ngayon.
Sa post ng aktor kahapon sa X (Twitter), napamura pa siya sa sobrang mahal ng mga gastusin.
“Hindi ako nagyayabang na mas mataas ang kita ko sa average na wage earner at sa mas MARAMING PILIPINO. Pero PUNY*TA ang taas na ng bilihin ngayon ng BASIC COMMODITY sa palengke,” reklamo ng award-winning actor.
Sey pa niya, dati raw ay P3,000-P4,000 ang pang-isang linggong pagkain nila at take note, alam niya talaga ang mga presyo ng gulay, isda at karne.
Pahayag niya (as is), “Mga 5-6 years ago yung P3-4 na libo, pang 1 linggo na. Kasama na du’n ang GULAY, ISDA at KARNE. (P1,500 na gulay PAMALENGKE, P1,500 na isda at karne)
Ngayon pamalengke ng isang linggo P8-10 thousand pesos.”
Aniya, mas mataas daw ang kita niya sa karaniwan pero nalulula pa rin siya sa mahal ng mga bilihin.
“Kumikita ako ng mataas sa karaniwan. PERO NALULULA NA AKO SA GASTOS. PAANO PA ‘YUNG SIMPLENG MAMAMAYAN? Akala ko ba TITINO NA TAYO? Ano na?” ang rant ni John.
Isang malawakang pagsang-ayon ng mga netizens ang natanggap ng aktor at kani-kanya rin sila ng pagse-share ng kanilang malaking gastusin.
Totoo nga ang tsika ng mga kasamahang press na unang nakapanood ng screening ng My Future You (MFY) na maganda ang movie.
Ang MFY ay isa sa mga official entries sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) at first movie together nina Francine Diaz and Seth Fedelin o FranSeth.
Napanood namin ang movie sa 2nd special screening na ginanap last Sunday at talaga namang pinahanga, pinatawa at pinaiyak kami ng pelikula.
Ang ganda ng story, ng direction, at higit sa lahat, ang acting ng FranSeth lalo na nga si Seth na may sariling style of acting na kanyang-kanya lang. Kitang-kita rin na may igagaling pa siya in the future.
Heartwarming, inspiring at may puso ang movie na tumatalakay sa dalawang taong nag-meet sa dating app pero magkaiba ang kanilang timeline which is 13 years apart.
Ang bilis ng pacing at napaka-interesting ng story kaya naman hindi ka mabo-bored and will keep you glued in your seats, waiting for the next scene. Gusto rin namin ang twist nito dahil may malaking aral na matututunan.
Hindi rin matatawaran ang chemistry ng FranSeth at bagay talaga silang dalawa. After this film, hindi na kami magtataka kung magkaroon pa ng mga kasunod ito.
Komentari