top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit kilalang Pinklawan… MARIEL, SOLONG NANOOD NG MOM, ROBIN, WA' APPEAR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 1, 2023
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 1, 2023





Tatlong sinehan ng SM The Block ang punumpuno sa ginanap na premiere night ng controversial movie na Martyr or Murderer nu'ng Lunes.


Sa pangunguna ni Sen. Imee Marcos na bukod sa executive producer ng MOM katuwang ang Viva Films at siya ring nag-provide ng story tungkol sa naganap sa pamilya Marcos, dumating din ang mga bida ng pelikula na sina Cesar Montano (gumanap na the late Pres. Ferdinand Marcos), Ruffa Gutierrez (dating First Lady Imelda Marcos), Cristine Reyes (as Sen. Imee), Diego Loyzaga (as Bongbong Marcos), ang gumanap na dalawang "maid in cotton" ng Malacañang na sina Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo, Marco Gumabao, Jerome Ponce, Cindy Miranda at marami pang iba.


Of course, present si Direk Darryl Yap na dahilan kung bakit napaka-controversial ng movie, lalo't ang daming revelation.


Drama-comedy ang MOM kaya hindi boring.


'Kaaliw ang eksenang binato ng bouquet ni Sen. Imee ang paring nagkasal kay Irene Marcos (played by Ella Cruz na wala sa premiere night). Alamin kung bakit may ganitong eksena sa movie.


Tumatak din sa amin 'yung eksenang after ng kasal ni Irene ay nag-dialogue si Cesar at pinuri-puri nang bonggang-bongga ang noon ay girlfriend ni Bongbong Marcos na si Klaudia.


Botong-boto pala noon ang the late president sa ex-girlfriend ni PBBM at sinabi pang matangkad, matalino at kaparehung-kapareho raw ni FL Imelda ang girl na hindi nakatuluyan ni Pres. Bongbong.


Naintriga tuloy kami kung ito kaya ang dahilan kaya no show sa premiere night ang First Family, especially PBBM at First Lady Liza Araneta-Marcos?


May nagparating kaya sa kanila na isinama ni Direk Darryl ang part na 'yun sa movie kaya hindi sila nanood?


Samantala, nakita rin namin si Mariel Rodriguez minus Sen. Robin Padilla na nanood sa premiere night.


In fairness, kilalang Pinklawan si Mariel pero nag-support pa rin siya sa MOM, ha? Well, baka naman for Ruffa Gutierrez na co-host naman niya sa MOM (Mhies on Mission) ng AllTV?


Or baka naman may prior commitment si Sen. Robin kaya si Mariel na lang ang ipinadala niyang representative niya to watch and support the movie, hindi kaya?


Anyway, magandang mapanood ang MOM hindi lang ng mga supporters and loyalists ng mga Marcos kundi pati ng mga anti-Marcoses din naman para kayo na ang mag-decide kung totoo nga bang "puro kasinungalingan" lang ang ipinakita sa pelikula ni Direk Darryl Yap.


Sabi nga, "To see is to believe" kaya watch n'yo muna this March 1 ang Martyr or Murderer bago n'yo i-judge ang pelikula.


'Wag tumalak at manghusga ang 'di nanood, ganeeeeerrn!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page