top of page

Kahit ibinigay na ni Matteo ang lahat-lahat… SARAH, OBYUS NA MALUNGKOT PA RIN SA B-DAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 26
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 26, 2025



Photo: Sarah G - IG


Thirty-seventh birthday kahapon (July 25, 2025) ng Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Binati siya ng mister na si Matteo Guidicelli sa FB Reels kung saan nag-post ito ng video ng French dinner date nila sa isang super sosyal na Italian resto abroad.


Caption ni Matteo sa ipinost niyang video, “I just want you to be happy everyday. Happy birthday, my love (heart emoji).”


Sa gesture ni Matteo, obyus na love na love talaga niya si Sarah at lahat ng magpapasaya rito ay gusto niyang ibigay.


Pero napansin lang namin nu’ng ibo-blow na ni Sarah ang kanyang birthday cake at nag-make a wish ito na may lungkot pa rin sa kanyang mga mata at hindi na siya ‘yung dating Sarah na nakikita naming bungisngis at abot-tenga kung ngumiti dahil ramdam mong masayang-masaya.


Napapaisip tuloy kami kung hanggang ngayon ba ay hindi pa rin sila nagkakaayos ng kanyang mga magulang? Hanggang kailan kaya titikisin si Sarah ng kanyang Mommy Divine at Daddy Delfin dahil mas pinili niyang magpakasal kay Matteo nang walang basbas nila?


Hmmm… life is short. Sana naman ay maging okay na sila para makita na uli namin ang genuine happiness ng idol din naming si Sarah Geronimo.



Bunsong kapatid ni Daniel, pinayagan na ring mag-artista… KARLA: MERON NA AKONG DAGDAG SA KABAN NG BAYAN KO



PARE-PAREHONG anak ng mga local celebrities natin ang mga ini-launch kahapon ng Star Magic ng ABS-CBN bilang mga pinakabagong talents nila, maliban na lang sa isang grand champion ng dance show.


Sa ginanap na Shining Now contract signing kahapon sa 14th Floor ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN, naging star-studded ang event dahil sa pagdating ng mga sikat na artista bilang suporta sa kani-kanilang anak at pamangkin na pumirma ng kontrata sa Star Magic.

Unang ipinakilala ang bunsong kapatid ni Daniel Padilla at anak ni Karla Estrada na si Carmella Ford a.k.a. Lela.


Present siyempre si Karla na mukhang mas excited pa sa contract signing ng anak kasama ang mga ABS-CBN bosses na sina Ms. Cory Vidanes at Direk Laurenti Dyogi (Star Magic head).


Sabi ni Carmella, 2 yrs. ago pa siya nagpapaalam sa kanyang Kuya DJ na gusto na rin niyang mag-artista, pero ayaw siyang payagan nito noon. Pero ngayong 18 yrs. old na siya, no choice na raw ang Kuya DJ niya kundi suportahan ang kanyang dream na maging artista na rin.


Nang mahingan ng message si Karla para kay Lela, sabi ng aktres, “Bigay niya siyempre ‘yung best niya, at piliin laging maging mabuti sa katrabaho, sa pamilya, at siyempre, mahalin ‘yung pagkakataon na ibibigay sa kanya.”


Kasunod nito, nag-thank you si Karla sa mga boss ng ABS-CBN at pabirong humirit ng “Once again, meron na akong dagdag sa kaban ng bayan ko.”

Hahaha! Inagawan pa ni Karla ng eksena si Lela, ha?


Next namang ipinakilala si Iñigo Jose na anak ni James Blanco. Dream naman daw nitong maging action star o maging bida sa rom-com. Pinayagan siya ng parents na mag-artista pero ang kondisyon sa kanya ay tapusin pa rin ang pag-aaral.


Present din sina Patrick at Nikka Garcia para sa 12-yr.-old na anak na si Michelle Garcia na super talented pala at idol ang mga K-Pop stars. Ang payo naman dito ni Patrick, ‘wag isiping trabaho ang ginagawa at i-enjoy lang daw.


Kasunod na in-introduce ang grand champion sa Time to Dance na si Ice Almeria. 

Aniya, ‘di niya in-expect na after winning sa Time to Dance ay mae-extend pa ang kanyang career. Kaya tuwang-tuwa siya na pinapirma rin ng kontrata ng Star Magic at thankful kina Sylvia Sanchez at Gela Atayde sa Time to Dance na naging daan para makapasok siya sa showbiz.


Samantala, para sa Mitra Sisters na sina Ezri, Julia at Tasha na mga anak nina Cacai at Raul Mitra, bukod sa mag-asawa ay dumating din ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez para suportahan ang mga pamangkin.


Ang payo naman niya sa mga ito, i-enjoy lang ang showbiz career pero ‘wag daw mag-away-away dahil mas importante pa rin ang pagiging magkakapatid nila.


Bukod sa mga Ateneo graduate (bukod kay Tasha na nag-aaral pa), sobrang talented ng Mitra Sisters at tiyak na may ibubuga talaga sa music industry bilang mga P-Pop stars.


Dumating naman para suportahan ang kanyang anak na si Joaquin Arce ang mister ni Angel Locsin na si Neil Arce. No show si Angel sa mediacon-contract signing pero nauna na itong nagpasabi sa socmed post niya na proud siya sa kanyang stepson.


‘Katuwa si Joaquin na umaming idol niya si Angel sa action at sana nga raw ay magkasama sila sa isang project, pero umaming ang crush niya sa showbiz ay si Ms. Sunshine Cruz!


Ang payo naman sa kanya ng amang si Neil, “‘Wag mo ‘kong ipahiya!” na for sure ay biro lang.


After Joaquin Arce, ang super-guwapo at talented na anak naman nina Gladys Reyes at Christopher Roxas na si Christof ang next na nag-contract signing at kasama siyempre si Gladys na todo-diin na hindi siya stepmom, pero all-out support siya at proud na proud sa anak na singer-performer-composer.


Gusto rin daw ni Gladys na makaeksena ang anak sa isang TV series, pero gusto rin daw kaya ni Christof na masampulan ng pagkakontrabida niya? Hahaha! 


Hindi naman nakarating sina Sunshine Cruz at Cesar Montano para kay Angelina Cruz pero nagbigay sila ng video greetings na nagpaiyak kay Angelina. 


Sa mom daw niyang si Sunshine siya unang nagpaalam na magso-showbiz pero suportado rin siya ng amang si Cesar.


Samantala, pumirma na rin ng kontrata sa Star Magic ang mag-asawang fitness coaches na sina Toni at Jim Saret na for sure, malaki ang maitutulong sa mga baguhang talents ng Star Magic esp. sa fitness journey nila para mas maging artista looking pa.

Well, congrats and good luck sa mga bagong talents na ito ng Star Magic!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page