top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahit hindi sumipot sa debate, mataas pa rin ang rating ni Mayor Sara, ngek!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 3, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 3, 2022



SABLAY ANG PAMBA-BASH KAY VP LENI–Sablay ang pamba-bash ng mga loyalista at DDS bloggers kay Vice-Pres. Leni Robredo nang sabihan nila itong “bobo” matapos makitang gumamit ng teleprompter sa speech.


Kaya natin nasabing sablay kasi hindi lang si VP Leni ang gumagamit ng teleprompter sa speech, dahil gumagamit din niyan sina P-Duterte, BBM at ang iba pang presidential candidates, at magiging sina former United States Presidents Barack Obama, Donald Trump, U.S. Pres. Joe Biden, maging ang mga babaeng lider na sina Taiwan Pres. Tsai Ing-Wen, New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern at iba pang world leaders.


Dahil sablay ang kanilang atake, niresbakan tuloy ng netizens ang mga loyalista at DDS bloggers at sinabihang ignorante at mangmang kasi hindi nila alam na sa panahon ngayon, walang kaso kung gumamit man ng teleprompter sa speech, ha-ha-ha!


◘◘◘


MAYOR SARA, NANINIWALANG FAKE ANG SURVEY–Sabi ni vice presidential candidate, Mayor Sara Duterte ay hindi porke nangunguna siya sa survey ay sure win na siya kasi may kaibigan siyang nagsabi na huwag paniwalaan ang mga survey dahil maraming nangunguna palagi sa survey, pero natatalo naman sa halalan.


Kung ganun, kahit pala si Mayor Sara ay naniniwalang peke ang resulta ng mga survey firms, boom!

◘◘◘


HINDI SUMIPOT SA DEBATE, MATAAS NG RATING SA SURVEY–Siguro, ang mga pangyayari sa nakalipas na araw ang naging basehan ng kaibigan ni Mayor Sara, kaya siya sinabihang huwag maniwala sa survey at sipagan na lang ang pangangampanya.


Ano ba ang nangyari sa mga nakalipas na araw? Hindi dumalo si Mayor Sara sa debate ng CNN network, tapos naglabas ng survey ang OCTA, na ang taas ng kanyang rating.


Nakapagtataka kasi hindi na nga sumipot sa debate, tapos ang taas ng kanyang rating?


◘◘◘


MARAMI NGA PROJECTS, PERO NABAON NAMAN SA UTANG ANG PILIPINAS–Sa talk to the people na idinaos sa meeting ng IATF (Inter-Agency Task Force) sa Palasyo ay ipinagyabang ng Duterte gov’t. ang kanilang mga nagawang projects sa nakalipas na higit limang taon.


Sa totoo lang, walang “K” magyabang ang Duterte gov’t. kasi ang kapalit ng kanilang “Build, Build, Build” projects ay pagkabaon sa utang ng Pilipinas.


Utang kasi ang mga proyektong ‘yan, at para sa kaalaman ng publiko, ang bansang baon sa utang ay hindi nagtataas ng suweldo sa mga manggagawa, pero ang presyo ng mga bilihin at bayarin ay patuloy ang pagtaas para makalikom ng budget pambayad sa utang, hays!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page