top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Kahit durog sa panlalait… ATASHA, TULOY LANG SA WORK, DEDMA SA MGA BASHERS

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14
2 min read

ni Melba R. Llanera @Insider | November 14, 2026



INSIDER - ATASHA, TULOY LANG SA WORK, DEDMA SA MGA BASHERS_IG _atashamuhlach

Photo: IG _atashamuhlach



Sa kabila ng pag-amin na nasasaktan siya sa mga online bashing at madalas ay below the belt ang mga kritisismo sa kanya nang tanggapin niya ang lead role bilang Annie Batungbakal sa musical play na Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical, positibong tinatanggap at tinitingnan ni Atasha Muhlach bilang challenge o hamon ang mga ito para mas pagbutihan pa niya ang lahat ng proyektong ipinagkakatiwala sa kanya.


Ayon nga sa aktres, alam niya na may espasyo palagi para mas matuto siya at mag-improve at hindi niya sasayangin ang magagandang oportunidad na dumarating sa kanya. 


Siniguro niya sa amin na 100% ang ibibigay niya sa bawat proyektong napupunta sa kanya at lagi siyang nagpapasalamat para rito.


Nang tanungin namin kung ano ba ang mga payo na ibinigay sa kanya ng mga magulang na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales noong pinupukol siya ng mga kritisismo at bashing, ayon kay Atasha, sinabihan siya ng mga magulang na laging panghawakan ang katotohanan basta walang ginagawang masama o hindi nang-aagrabyado ng ibang tao, laging maging mabuti sa kapwa at magtrabaho nang mahusay.

Para kay Atasha, nagpapasalamat siya na nasubukan niya ang mundo ng teatro. Marami siyang natutunan dito at nakatagpo siya ng bagong pamilya.


Sa ngayon ay balik-Eat… Bulaga! (EB!) ang aktres. Masayang-masaya siya nang muling makapiling ang EB! family na pansamantala niyang naiwan nang gawin niya ang Bongga Ka ‘Day! play.


Samantala, wala ring panahon sa pag-ibig si Atasha, at siniguro niyang wala siyang boyfriend. 


Pahayag ni Atasha, ang pokus at prayoridad niya sa ngayon ay ang kanyang showbiz career dahil ito ang pangarap niya mula pagkabata.


Nakapanayam namin si Atasha sa nakaraang Tara Sa Paskong Kapatid Thanksgiving celebration na dinaluhan ng mga naglalakihang artista ng TV5, mga empleyado at mga boss ng Kapatid Network, kabilang ang CEO nito na si Mr. Manny Pangilinan.





Buong buhay na raw kumakayod…

OGIE, TANGGAP NA PAHINGA NA SI REGINE SA CONCERT



“WE have to follow what she wants. You know you have to look beyond all of it and probably see the kind of grace that Regine has. Alam n’ya kung kailan s’ya titigil, alam n’ya kung hanggang saan s’ya,” ito ang naging pahayag sa amin ni Ogie Alcasid nang tanungin namin siya kung ano ang komento niya sa lungkot at panghihinayang ng mga fans ng asawang si Regine Velasquez dahil sa pagdedeklara nito na huli na niya ang kanyang three-day concert na FINALE na ginanap sa SM Mall of Asia (MOA) Arena mula October 17-19.


“Saka marami naman s’yang puwedeng gawin. Right now, she’s very happy, nagpapahinga lang,” sey pa ng singer.


Sabi pa ni Ogie, ilang beses na rin nila itong napag-usapan bilang mag-asawa at ang payo niya kay Regine ay gawin nito kung ano ang makapagpapasaya sa kanya, lalo’t halos buong buhay nito ay puro trabaho ang ginawa nito.


Aminadong fan siya ng misis at proud na proud siya na sa loob ng tatlong araw ay walang umuwi nang umiiyak at lahat ay punumpuno ng kaligayahan ang puso.


Naniniwala si Ogie na marami pang kayang gawin si Regine bukod sa mag-concert at mukhang kuntento na ito na mag-perform muna linggu-linggo sa ASAP.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page