top of page

Kahit ‘di raw nagkatuluyan… BOY, WISH NA MAGKABATI SINA CRISTINE AT MARCO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 4
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 4, 2025



Photo: Marco at Cristine sa Fast Talk with Boy Abunda - YT



Hindi itinanggi at hindi rin kinumpirma ni Ara Mina ang tungkol sa tsikang hiwalay na ang kapatid niyang si Cristine Reyes kay Marco Gumabao.


Sa guesting ng aktres last Monday sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ay diretso siyang tinanong ng host na si Boy Abunda kung ano ang alam niya sa breakup issue nina Cristine at Marco.


Sagot ng aktres, “Siyempre, kung ano ang alam ko, it stays with me, and I am not the right person (to say) kung ano’ng real score.”


Dagdag niya, “Si Cristine, she’s mature enough. Basta ang masasabi ko lang sa kanya, nandito lang kaming family.”


Nabanggit nga rin ni Ara na sobrang na-appreciate niya ang younger sister nang i-comfort siya nito after the elections kung saan nga ay hindi siya pinalad sa kanyang pagtakbo bilang konsehal ng 2nd District ng Pasig.


“You know what, what I appreciate kay Cristine, after election, she just texted me, ‘Ate, ano’ng gagawin mo bukas? Dinner tayo.’ So, ‘yung mga simple things na ganu’n, maybe, to comfort me. And she knows naman na nandito rin ako for her.


“And I think she knows what she’s doing and nagko-confide rin naman s’ya sa ‘kin. And sinasabi ko kung ano’ng opinyon ko. Pero ang sinasabi ko sa kanya, ‘Ikaw pa rin ang magde-decide kung ano ang nasa puso mo. And basta, kung saan ka masaya, nakasuporta kami ng family,’” saad ni Ara.


Binanggit naman ni Kuya Boy na hangad pa rin niya na maayos sina Cristine and Marco.

“We wish both of them the best. Hindi man sila pinalad na magkatuluyan but individually, sana’y maayos,” sey ng King of Talk.


Inayunan naman ito ni Ara, “Yeah, basta naniniwala ako kung kayo para sa isa’t isa, kayo. At the end of the day, magiging magkaibigan pa rin kayo, ‘di ba, if hindi man maging kayo. And si Cristine, matanda na s’ya, she knows what she’s doing na.”


When asked kung okey ba naman si Cristine ngayon, sagot ni Ara, “She’s okay, she’s doing fine.”


Nagsimula ang tsikang hiwalay na sina Cristine at Marco matapos mapansin ng mga netizens na naka-unfollow na ang una sa Instagram (IG) ng huli. Si Marco naman ay nananatili pa ring naka-follow kay Cristine.



NADUROG ang puso ni Yasmien Kurdi matapos mabalitaan na nawalan ng anak ang isang Australian actress dahil sa school bullying.


Ibinahagi ng aktres sa kanyang IG ang news report tungkol sa masaklap na sinapit ng 13-year-old son ng Australian actress na si Clare McCann.


Ayon sa report, kinitil ni Atreyu ang sariling buhay matapos ang halos 2 buwang walang tigil na pambu-bully sa kanya sa isang paaralan sa Sydney.


Sa caption ni Yasmien ay ipinahayag niya ang pagkawasak ng kanyang puso sa nasabing pangyayari gayundin ang pagkadismaya sa paaralan.


“Nakakadurog ng puso! Ganu’n na lang ba ‘pag nangyari ito sa anak n’yo – ang sasabihin ng school, ‘deeply saddened lang?’” saad ng aktres.


Kasunod nito ay pinaalalahanan niya ang mga kapwa magulang na matutong mag-research bago ipasok ang anak sa isang school.


“Walang ibang makakapagtanggol sa ating mga anak kundi tayo mismo mga magulang. Kaya, parents, siguraduhing mag-RESEARCH nang mabuti bago n’yo ipasok ang mga anak n’yo sa school, alamin ninyo ang history kung paano nila hina-handle ang bullying, at kung ano ang laman ng kanilang handbook,” paalala ni Yasmien.


“Ang hirap kumita ng pera pambayad lang sa school para ma-bully ang bata,” saad pa niya gamit ang hashtag na #NoToBullying at #ProtectYourKids.


Matatandaang last year ay nagkaroon din ng karanasan sa school bullying ang panganay na anak ni Yasmien na si Ayesha. Ibinahagi niya sa social media ang pambu-bully na ginawa sa kanyang anak at inireklamo ang paaralan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page